DREAM COME TRUE: Coco Martin, thankful sa pagkakataon na makasama si Vic Sotto sa isang pelikula!

Maine Mendoza, Vic Sotto and Coco Martin

BONGGA at ngayon pa lang ay madami na ang excited na mapanood ang Metro Manila Film Festival 2018 entry ni Coco Martin with Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza na Jack Em Popoy: The Puliscredibles kung saan kasama ang aktor na si Arjo Atayde bilang the main kontrabida nina Coco at Vic.

Dream come true para sa aktor na makasama ang isa sa mga “legend” ng showbiz. Sa katunayan, hindi inakala ni Coco na makakasama niya sina Bossing Vic at Maine sa MMFF entry nila lalo pa’t knowing na identified sina Bossing at Maine sa kabilang TV Network na kalaban ng Kapamilya Network kung saan sa ABS-CBN naman identified ang aktor.

Pahayag ni Coco sa isang panayam sa kanya: “Excited ako. Sabi ko nga imposibleng mangyari ito pero nangyari. Dalawang pamilya ang nagsama para paligayahin lahat ng mga tao sa darating na Kapaskuhan. Nakakatuwa kasi akala ko isang pangarap lang na nagkatotoo.”

Hindi inaasahan ni Coco ang pagkakataon. ”Hindi ko akalain na makakatrabaho ko si Bossing. Bata pa lang ako, pinapanood ko na siya. Maganda din na nakatrabaho ko si Maine na kahit mula sa kabilang istasyon.

Coco Martin and Maine Mendoza

“Masaya ako na both networks sinusuportahan kami, ang pelikula namin na alam ko magpapasaya sa mga bata at ng buong pamilya,” pahayag ni Coco.

Dagdag pa niya: “Ang chance na magkasama kami sa isang movie project ay siguro para sa mga tao para mapaligaya namin sila sa Pasko.”

Showing na sa December 25 ang pelikula ng aktor with Bossing Vic with Maine and Arjo.

 
 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.