Drayber, Sugatan sa Pagbangga sa Van ng Aktres

ISANG MINI-BIG bike ang sumalpok sa likurang bahagi ng van ng aktres na si Isabel Oli kung saan sugatan ang driver nito. Nangyari ang insidente kahapon ng alas-2:00 ng mada-ling-araw sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City.

Kuwento ng drayber ng van ni Oli, na si Benito Baluyot, marahan lang umano ang takbo nila nang biglang bumangga ang mini-bike ni Ronnie Corpuz sa likurang bahagi ng van.

Nagtamo ng sugat si Corpuz nang tumilapon mula sa kanyang mini-bike samantalang yupi naman ang van.

Napag-alaman ng mga awtoridad na nakasakay mismo si Oli sa van na kakagaling lamang sa trabaho.

Pinaghihinalaang namang naka-inom si Corpuz at isasailalim sa pagtatanong ng pulisya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.