Drayber, ginulay ng magkakamag-anak

KRITIKAL ANG ISANG tricycle driver matapos kuyugin ng pamilya na nakaaway ng una sa Tala, Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng mga bugbog at saksak sa katawan si Genesis Vestidas, 44, ng Magsaysay, Tala ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Romy Mitra at ilang kaanak nito na pawang kalugar ng biktima.

Base sa ulat, alas-8 ng gabi, katalo ng biktima si Mitra malapit sa kanilang bahay nang magdatingan ang iba pang mga suspek.

Kinuyog ng mga suspek ang biktima at bago tumakas ay iniwanan ng saksak si Vestidas.

Inaalam na ng mga pulis ang pinag-ugatan ng nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.