DRAMATIC ACTRESS, NAPIKON KAY CHILD WONDER!

NAGSIMULA BILANG CHILD star ang isang mahusay na dramatic actress, kaya’t nakapagtatakang hindi niya kayang sakyan ang kakulitan ng isang child wonder na nakasama niya sa isang TV project kamakailan.

Halaw ang eksenang ito nang interbyuhin ng press ang aktres, kung saan nasa di-kalayuan ang bibang child prodigy. May kung anong talento bilang pagpapakitang-gilas ang ginagawa ng bagets, na siyempre’y ikinaaliw naman ng mga nakapaligid na reporter.

“Sandali lang, nadi-distract lang ako,” pag-e-excuse ng aktres sa press, apparently affected, if not incensed by the child wonder’s scene-stealing moments. Tumayo ito, lumapit sa bagets, saka sinita niya ito: “Alam mo ba ang salitang ‘respeto,’ ha?”

Kaswal lang siyang pinagmasdan ng bagets, sabay tanong:  “Ano po ‘yung ‘respeto’?”

Kaswal lang siyang pinagmasdan ng bagets, sabay tanong:  “Ano po ‘yung ‘respeto’?”

Obviously, malalim na para sa bata ang salitang ‘yon, saka ginawang muli ang kanyang makaagaw-eksena niyang moments na lalong ikinairita ng aktres.

Da who ang bagets at ang aktres sa kuwentong ito? Isyogo na lang natin sila sa neymsung na Wilhelmina Jarlego at Beatrice Corleto!

(Ronnie Carassco)

Related Post

loading...

3 thoughts on “DRAMATIC ACTRESS, NAPIKON KAY CHILD WONDER!

  1. masyado namang feelinggera yang si claudine.pti bata p2lan b? Sna ngsa2yaw dn xa para mpncn dn xa..o d ptalbugan cla..laos n kc xa kya lintak maginarxa!…

Leave a Reply

Your email address will not be published.