Dramatic actor, nagparamdam daw sa sumisikat na istasyon ng TV?

BLIND ITEM: KINSA Siya? Presscon noon ng isang come-backing drama actor sa isang restaurant sa bandang Quezon City. Habang hindi pa nag-start ang pormal na question and answer portion, todo-interview na ang ibang mga TV crew sa dramatic actor. Malapit nang matapos ang interview portion ng mga TV crew nang dumating ang staff ng isang talkshow mula sa isang sumisikat na istasyon. Hindi gakey, as in gaka (gatecrasher) ang nasabing TV crew dahil imbitado sila sa nasabing presscon kahit na taga-ibang istasyon pa itong si dramatic actor.

Kinausap ng segment producer si dramatic actor upang makapag-interview rin sila. Hindi naman nagtanung-tanong pa si dramatic actor at pumayag na nga itong iupo para sa interview. Nang magsimula nang magtanong ang segment producer, napansin ni dramactic actor ang microphone I.D., biglang itinigil ni actor ang tanungan dahil bawal daw.

Naku nga, hindi naman show ng istasyon ang kanyang ipino-promote kundi ang kanyang album (ay, singer din pala si dramatic actor). Sa ngayon, patapos na ‘ata ang kontrata ni dramatic actor cum singer din pala sa kanyang istasyon. Nagbalik na din si dramatic actor cum singer sa kalinga nang kanyang manager na noon ay nakaalitan niya dahil sa usapin ng karaketan.

Minsan ay nakausap ng isang sikat na personalidad ang manager ni actor at halatang nagpaparinig itong baka lumipat ito sa istasyong hindi pinagbigyan ng dramatic actor ng interview!!!

SA PANAYAM NG Paparazzi kay Jay-R Siaboc na lumabas noong linggo ng hapon  sa  Paparazzi,  inamin nitong napabayaan niya ang kanyang career dahil masyado siyang naka-focus sa pag-ibig. Nagiging nega ang dating niya sa mga manonood dahil sa balitang palagi silang nag-aaway ng kanyang jowang si Irish Fullerton.

Ani Jay-R kay Nanay Cristy Fermin sa Caught By Cristy segment nito, “Naniniwala po ko sa sinasabi nila na pana-panahon lang. Inaamin ko naman na medyo may pagkakamali rin naman akong ginawa. Pero para sa akin, wala akong dapat sisihin kundi sarili ko rin. Kasi tayo-tayo pa rin ang may dala sa sarili natin eh, tayo pa rin ang magdi-desisyon kahit pa maraming mag-a-advice sa atin, pero in the end, tayo pa rin.”

Ikinuwento rin ni Jay-R na may asawa at kasal na ang dati niyang lovey-dovey na si Irish sa ibang lalaki.

Binalikan din ni Jay-R ang kuwento ng kanyang simple at payak na pamumuhay noon sa Cebu bago siya pumasok sa Pinoy Dream Academy. “Siyempre, simple hindi madali, tulung-tulong kami. Nagko-construction ‘pag minsan, para lang kumita tapos naalala ko, kasi dati ‘yung tipong paggising mo sa umaga pagbukas mo kaldero n’yo walang laman.”

Huling umuwi si Jay-R sa Cebu noong Pasko at Bagong Taon. At nahirapan siyang harapin ang panibagong hamon sa buhay nang kanyang pamilya roon. Hindi na kasi tulad ng dating tinatamasang ginhawa ang kanyang napagmasdan dahil na rin sa kakulangan ng raket  niya  rito  sa  Maynila.  “Nangako ako sa sarili ko na kahit ano, hinding-hindi ako mapapagod, kasi ayokong bumalik sa dating buhay, ayoko. Gusto kong iparamdam sa pamilya ko na ‘yun talagang maginhawang buhay para mabibili namin gusto namin.”

Narating na rin ni Jay-R ang sinasabing peak nang kanyang career pero bigla itong bumulusok paibaba. Pero para sa kanya, “Naniniwala po ako na hanggang ngayon nandito pa rin ako kaya handa akong magtiis. Handa akong maghintay kahit gaano katagal. Sana naman hindi ganu’n katagal, I mean bata pa ko eh. Para sa akin, wala pa kong nagagawa para sa buhay ko, para sa pamilya ko. Gusto ko pang pakita sa mga tao ‘yung kakayahan kong gusto ko pang ma-i-share sa mga tao lalo na sa katulad ko na ‘yung maging inspirasyon nila ko.”

PAHABOL NA BLIND Item: Kinsa Sila? Sino itong sikat na loveteam na pinagdududahang may relasyon na ring namagitan sa kanila ang nakitang nag-check-in diumano sa isang hotel sa Tagaytay? Ang buong kuwento, abangan!!!

Tutok lagi sa Juicy, daily (12 NN), sa TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, sa TV5; at sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM, daily, 4 to 6 PM.

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

2 thoughts on “Dramatic actor, nagparamdam daw sa sumisikat na istasyon ng TV?

Leave a Reply

Your email address will not be published.