From Drama to Comedy: Lovi Poe, happy at in spirit pa rin na nakabantay ang amang si FPJ!

Lovi Poe

HAPPY ang sexy dramatic actress na si Lovi Poe nang makausap namin sa after-dinner premiere party ng Regal Films sa magandang feedback ng mga nakapanood ng pelikula nila ni Vhong Navarro na “Woke Up Like This” sa isang Italian Restaurant last Monday evening.

 

Noong gabing ‘yun, masaya ang lahat. Bukod sa mga bidang sina Lovi at Vhong, masaya rin ang mga producers na sina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde ng Regal Films dahil umani sila ng positibong feedback mula sa mga nakapanood ng pelikula. Umaalingawngaw ang tawanan. Na-hit ang laughing out loud goals ng pelikula. 

“I did not expected it na magiging funny pala ako sa movie,” kuwento ng dalaga.
 
First time niya napanood ang pelikula nila na siya mismo, tawang-tawa sa mga ginawa niya.
 
“I’m happy sa feedback. Kami ni Vhong tawa kami ng tawa while we’re watching the film. Magkakatabi kami nina Cora (Waddell) and other stars in the cast. Now, if ever na ma-bore na at at magsawa ako sa mga sexy drama films na ginagawa ko, I can shift to comedy. Vhong told me na pwede daw ako sa mga comedy movies,” kuwento ng dalaga.
 
Sa short chika namin with Lovi at ilang mga press people, aminado siya na alam niya na andyan ang amang si Fernandoe Poe Jr. na nagbabantay sa kanya.
 

“I don’t believe in signs if I want some answers in my prayers but I know my dad is there to guide me.” kuwento niya.

 

Happy nga ang aktres dahil kahit matagal nang  pumanaw ang ama, ang showbiz ang industriya na minahal nito noong nabubuhay pa ang “The King” ay patuloy pa rin ang pagbibigay importansya sa mga naiwanan nito. Lalo na ang respeto at paggalang.
 

Tulad na lamang ng pelikula nina FPJ at Judy Ann Santos na nirestore ng ABS-CBN at isinama sa archives ng mga pelikula ng ama.   
 
The last time na napadaan siya sa puntod ng ama sa may North Cemetary sa La Loma, Quezon City was not too recent.  “I think it was last year but not more than a year,” sabi ni Lovi.
 
Today, August 23, Wednesday ay matutunghayan na ng publiko ang ‘Woke Up Like This’. Manood na at alamin kung bakit tawang-tawa ang mga nakapanood na sa bagong comic duo sa mga sinehan nationwide! 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.