Parazzi Chikka: Drama Anthology ni Claudine Barretto sa Siyete, kasado na!

Miss n’yo na ba si Claudine Barretto? Matagal-tagal na ring absent ang magaling na aktres sa pag-aarte kaya naman marami ang excited na mapanood siya sa Kapuso network. Isang drama anthology na tatakbo ng dalawampu’t anim na linggo na pinamagatang “Claudine” ang ipalalabas sa susunod na buwan. Bongga nga ang first episode dahil ang leading man ni Claudine ay walang iba kundi si Raymart Santiago! Si Laurice Guillen din ang nakatokang magdidirek nito.

Inaasahang makakasama ni Claudine Barretto ang ilan sa mga magagaling na direktor ng Kapuso network tulad nina Joel Lamangan, Maryo J. Delos Reyes at Joyce Bernal at makakasabayan sa aktingan ang mga pambato ng Siyete. Isa itong “make or break” project para kay Claudine, kaya naman mula sa Pinoy Parazzi, good luck sa ‘yo!

By Mica Rodriguez

Photos By Allan Sancon

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Parazzi Chikka: Drama Anthology ni Claudine Barretto sa Siyete, kasado na!

Leave a Reply

Your email address will not be published.