Dra. Vicky Belo, nothing to hide

SINASABI NA NGA ba namin! Isang araw ay si Dra. Vicki Belo naman ang magiging Katrina Halili na ibinuyangyang din ni Dr. Hayden Kho ang katawan sa publiko.

Kinumpirma pa’t idinepensa ng doktora ang kanyang karelasyon nitong mga huling araw. Nakakita ng tagapagtanggol sa kanya ang bastos na doktor. Nilinaw pa ni Dra. Vicki na hindi si Hayden ang nag-post ng mga sex videos nito sa internet, para magising na lang isang umaga na pati pala ang napakapribado nilang pagniniig sa kama ng doktor ay nakalabas na rin para panoorin ng buong bayan.

Pero maagap ang pamosong doktora, agad siyang nagpatawag ng presscon para ilabas agad ang kanyang sarili sa kontrobersiya. Ang humarap sa presscon ay ang kanyang abogadong si Atty. Adel Tamano.

Kinumpirma ng abogado ni Dra. Vicki na meron nga silang sex video ng doktor, may basbas daw ng doktora ang pagkuha nu’n, pero sa isang usapan na pagkatapos nilang panoorin ang ginawa nilang video ay buburahin na ‘yun ng doktor sa kanyang computer.

Pero hindi nga ganu’n ang nangyari, may nakarating na balita sa kampo ng doktora na meron na ring may mga kopya ngayon ng sex video nila ni Dr. Hayden Kho, ang dahilan kung bakit nagpatawag na sila ng presscon nu’ng nakaraang Biyernes nang gabi.

HINDI NAMIN KINOKONTRA ang posisyon ni Attorney Adel Tamano na biktima lang sa kaganapang ito ang kanyang kliyente. Noon pa man ay hindi na pinag-initan si Dra. Vicki. Ang tanging kasalanan lang naman ng doktora sa usaping ito ay ang magmahal ng isang tulad ni Dr. Hayden Kho.

Noon pa hinihiling ng marami na sana’y mauntog na sa katotohanan si Dra. Vicki. Sana’y makita na niya ang liwanag, na isang araw ay baka siya naman ang pagpistahan ng publiko dahil lumabas pala ang sex video nila ni Dr. Hayden Kho.

Heto na nga ‘yun, kumpirmado nang meron din silang video ng bastos na doktor. Ang pagkakaiba lang ni Dra. Vicki sa tatlong iba pang babaeng biktima ni Dr. Hayden Kho, alam niya na ibini-video ng doktor ang kanilang pagtatalik.

Tama ang abogado ni Dra. Vicki, pinagkatiwalaan niya si Dr. Hayden, minahal nang todo pero walang kinalaman ang doktora sa pagpapalabas ng kahit anong sex video na pinagpipistahan ngayon ang buong bayan.

NATAWA LANG KAMI sa pakiusap ni Atty. Adel Tamano na sana’y huwag nang pagkaabalahan pang panoorin ng ating mga kababayan ang sex video nina Dr. Kho at Dra. Vicki.

Ibang video na lang daw sana ang bilhin at panoorin ng publiko, pass na lang daw muna sana ‘yung kina Hayden at Dra. Vicki. Isang pakiusap na sa palagay nami’y bumagsak sa mas nakararaming tengang bingi.

Sa totoo lang, literal ngang pinagkakaguluhan ngayon ang mga sex video ni Dr. Hayden na kasama sina Katrina Halili, Maricar Reyes at isa pang Brazilian, kaya ang sex video pa kaya nila ni Dra. Vicki ang palampasin ng ating mga kababayan?

Kilalang personalidad din si Dra. Vicki sa sarili niyang linya, kaya natural, gusto ring masilip ng mahihilig nating kababayan kung paano naman nilang iniraos ng doktor ang kanilang init ng katawan.

Tama si Katrina Halili, demonyo talaga ang doktor na ito, kailangan talaga nitong makipagkita sa kanyang doktor dahil hindi na trabaho ng isang taong nasa katinuan ng isip ang mga ganitong kalokohan.

Pervert si Dr. Hayden, sinasang-ayunan din namin ang mga salitang ginamit sa kanya ni Senador Bong Revilla, buwang at manyak ang pa-machong doktor na ito.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

7 thoughts on “Dra. Vicky Belo, nothing to hide

    • walang bababuyin kung walang magpapababoy.. mga pokpok naman yung mga babaing yun… may matinong babae bang gagawa ng ganun ? mga haliparot! kung kani-kanino nagpapagalaw! buti nga sa kanila !!!

  1. ‘Ba’t sa lahat ng may sex video , parang si Dra. Belo lang ang parang excited and proud? Parang wala naman ata eh. Guni guni lang nya na meron sya para maihelera nya yung sarili niya sa mga sexy like Katrina, Maricar and yung Brazilian. Mapapahiya kasi siya, na kung sino yung totoong GF yun ang walang sex video. Mag-ilusyon ba daw.

  2. Also, why your concerns is only about this incident?? There’s a lot of women who get raped and harasses overseas and in the philippines alone without their consent. The couple in the video were doing it based on their consent, not against that girl’s will. You don’t have any knowledge with regards to sex act at all, all you want to do and say is pure hatred towards this man.

  3. Yes, HYPOCRITES!!! People who have pure hatred to this man (i’m not saying on his side though) just to be fair and I’m trying to be logical. At the end of the day Hayden is a man, some men do treat sone women like this as they know if they’r only up for a game or a play, you can from the video that katrina was enjoying herself too, she wasn’t force or anything against her consent.

  4. kudos !!!!.miss cristy this is a well written article,,,,,calling a sex maniac is but appropriate for him,,napakahayop talaga nya,,,,hayop to the highest level talaga,,,sisihin pa ba ang mga babae sa kababuyang ginawa nya,,,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.