Dra. Vicki Belo, marami ang natuwa sa pakikipag-break kay Hayden Kho!

BLIND ITEM: Ang ganda-ganda at ang haba-haba naman ng hair ng isa naming friend, dahil ka-date niya ang isang guwapong actor sa isang birthday party ng isang politician.

In fairness, hindi naman kami inisnab ng guwapong actor dahil siya pa nga ang unang lumapit sa amin at bumati. Pero ang focus namin that time ay ang ka-tabi nitong bading na friend namin na gusto naming kurutin sa singit, dahil sumobra ang pagkamestisa niya dahil nga kasama niyang nagtungo roon ang guwapong actor.

Natural, hindi na namin itinanong pa kung magdyowa ba sila or anything. O kung me nangyari nang sexcapade sa kanila o wala. Masyado nang personal ‘yon. Pero kung kilala namin ang bading naming friend, mahilig talaga siyang magpa-escort sa mga guwapong actors.

‘Wag na tayong ma-shock kung laging naka-tuxedo, naka-suit o nakaporma si bagets, dahil alam n’yo na. Hahahaha!

Juice ko, ayaw ni Rico at ni Jackie Lou ng ganyan.

EXCITED KAMI for Luis Manzano, dahil bagay na bagay sa kanya ang maging host ng Kapamilya Deal Or No Deal. Swak na swak, ‘ika nga. Wala kaming nabasa na nagpoprotesta kumba’t si Luis at nagre-request na sana’y si Kris Aquino uli.

Pagtataka lang kumba’t hindi na si Kris, ‘yun lang. Eh, ‘di ba nga, gustong magpakaaktres at magpaka-daring ni Kris sa teleserye nila ni Anne Curtis at Robin Padilla?

O, at least, me kaabang-abang kay Kris, ‘di ba? Pero mas inaabangan namin si Luis, dahil mamaniin lang ‘to ng aming anak-anakan. Kaya no comparison, please, kay Kris Aquino.

 

KAUSAP NAMIN si Dra. Vicki Belo at sa tono ng kanyang salita ay confirmed ngang wala na sila ni Hayden Kho. At ang nakakatuwa naman kay  Doc, ayaw na niyang magsalita, tama na raw na siya’y mo-ving on na at nalaman niya kung sino ang mga nagmamahal sa kanya nang tunay.

Ang nakakalokah, ang daming natutuwa na wala na sila ni Hayden. Kaya ang tanong ni Doc Vicki ay bakit?

“Eh, kasi daw, doc, you will now learn to love yourself more.” Natawa si Doc.

Alam n’yo naman si Doc, ‘pag nagmahal, all mine to give ang drama. And at least naman, Doc Vicki has so much love to give.

Sabi nga sa linya ni Tetchie Agbayani sa UnOfficially Yours, “Napapagod akong masaktan, pero hindi ako napapagod magmahal!”

‘Yun na.

 

CONGRATS KINA Angel Locsin at John Lloyd Cruz, ha? Blockbuster hit ang UnOfficially Yours, in fairness. Kami nga ay parang sirang plaka na sa ka-rerekomenda sa twitter na panoorin nila ‘to, dahil hindi masasayang ang kanilang pera.

Juice ko, sa totoo lang, ‘pag hindi kami talaga nagandahan, deadma kami. Saka lang naman kami nagpapainterbyu sa Star Cinema ‘pag nagandahan kami. At kami talaga ang nagpiprisinta na magpapainterbyu kami.

Pero ‘pag wa namin feel ang pelikula ng Star, behaved lang ang byuti namin. Hindi rin para kami ay manira, dahil baka naman magustuhan ng iba, sino kami para okrayin ang movie na hindi lang pumasa sa aming panlasa, ‘di ba?

Pero itong UnOfficially Yours, nakaka-elya talaga si John Lloyd!

Si John Lloyd talaga at hindi si Angel Locsin, o! Hahaha!

Basta watch n’yo at nakakalokah ang “kalabugan” scene sa love scene ng dalawa.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

4 thoughts on “Dra. Vicki Belo, marami ang natuwa sa pakikipag-break kay Hayden Kho!

  1. wengweng, given na ung clue na “rico” at “jackie lou”… pwes kumo parehong ‘blanco’ ang family nila, samakatuwid (samakatuwid daw oh), ay si JAMES BLANCO ang nasa BI. Tama ba ako Mareng Ogie?

  2. FLOP,, DAW??? AHAHAAH MACHARING KA TEH KRIZZY,, GANYAN TLAGA MASAKIT SA PKIRAMDAM NA DI NYO MABABAGSAK STAR CINEMA,, ALTHOUGH MAY MGA MOVIE SILANG DIRIN KUMITA PERO HALOS KUMITA,, DI TULAD NG GMS FILMS, KADIRI ANG KITA AHAHAHAH,,

  3. Magawa ni Belo na papagandahin ang mga fahfahngit na artista pero ang mismong anak nya di niya napaganda ang fahfahngit kaya.

  4. dahu yung nasa blind item? hahahaha

    ogie, hindi blockbuster yung unofficially yours! pwede ba! flopp ang pelikula! FLOP!!!!!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.