Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, naispatan sa Bohol!

MUKHANG AYAW TALAGANG tumigil ng ugong-ugong na patuloy pa ring nagkikita sina Hayden Kho at Dra. Vicki Belo. Matapos ang kontrobersiyal na balitang “intestinal flu” ni Hayden na nagresulta ng pagkakasugod ng doktor sa Manila Doctor’s Hospital, ngayon ay may isa kaming e-mail na natanggap mula sa isang mapagkakatiwalaang source na nakitang magkasama muli sina Dra. Belo at Hayden.

Nasa Bohol ang aming source at nagdi-dinner sa isang tourist spot doon, ang Bohol Bee Farm. Ayon sa aming informer, nangyari ito noong Sunday, Dec .13, 2009 at around 6:15 P.M. Naroon ang dalawa at naka-dress down at low profile lang si Dra. Belo.

Ayon sa deskripsiyon ng aming source, “medium length hair, walang make-up at uber simple lang ng suot niya, MJ. and since I dont know the latest buzz about them, I was just curious to see them na magka-holding hands!”

Medyo maulan pa nga raw noon sa Bohol at balak sana ng aming informer na kunan ng litrato ang dalawa pero si Hayden daw ay parang “very watchful” sa mga tao sa paligid nila. Tinitignan daw nito ang mga tao lalo na kung may naririnig itong click ng camera. Paranoid? Nakasalubong daw ng harap-harapan ng aming source si Dra. Belo nang mag-washroom ito.

Marami na akong nakukuhang ganitong mga feed pero nahihirapan akong i-confirm. Pero naloka ako nang mag-guest si Hayden sa Tweetbiz ng QTV at doon nga niya kinumpirma na nagpunta nga siya ng Bohol to unwind. Tinanong siya ng mga hosts kung sino ang kasama niya roon at tumawa ito at sinabing mga “friends” daw niya. Tumaas na lang tuloy ang kilay ko.

Hay, naku! Sabi nga nila, true love never dies. Siguro true love nga ang drama nina Hayden at Dra. Belo na hanggang ngayon ay hindi matibag-tibag ng kahit anong kontrobersiya ang kanilang love affair. Katunayan, ipinakita pa ni Hayden sa TV guesting nito ang kanyang bagong tattoo na nakalagay “hayden” pero kung babaligtarin, pangalan naman ni Dra. Belo ang nakasulat. Against all odds nga ang drama ng dalawa at sa bagong scoop na ito, mukhang may dapat na namang sagutin sina Dra. Belo at Hayden!

CHRISTMAS OFFERING NG May Bukas Pa ang guesting ni Sam Milby. Excited si Sam dahil first time niya itong magbabalik sa Primetime after ng kanilang successful run ng Only You kasama si Angel Locsin at Diether Ocampo. Sinusundan namin si Sam sa kanyang Twitter page at dito nga sinasabi ni Sam na masaya siya sa kanyang guesting. Pero nagulat naman kami nang makita namin ang kanyang “entry” sa kanyang Twitter page na muntik palang masunog ang kanyang bahay nang mag-overload ang power. Doon kasi ginanap ang Christmas get together nila ng kanyang mga kaibigan at kasamahan sa Cornerstone management, at mukhang ‘di kinaya ng electricity nina Sam ang power usage nila. Kaya ayun! Ilang oras ding brownout sa lugar nila pero ngayon nga ay naayos din naman. Buti na lang daw at hindi naman tuluyang nagkasunog sa kanila.

loading...

4 thoughts on “Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, naispatan sa Bohol!

  1. Pingback: Paula beloat | Bestoptionsnew

Leave a Reply

Your email address will not be published.