Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr., tinitikis ang isa’t isa?! – Lolit Solis

NALOKA AKO NU’NG nakaraang linggo, ha! Sa katigasan ng ulo ko, sumama ako sa crew ng Startalk sa The Lounge na pag-aari ni Hayden Kho para interbyuhin.

Pagdating namin doon, nabigla ang mga staff ni Hayden nang makita ako. Wala raw siya roon sabi ng isa sa mga staff nito. Halos dalawang linggo na raw itong hindi pumupunta roon pero hindi raw nila alam kung nasaan ito.

Natawa nga ako sa sagot ng isang staff niya na baka nasa sagingan naman daw ito, wala naman sa pinyahan. Totoo nga yata ang kuwento nila na nasa retreat daw ito.

Ang sabi ng iba, nasa Bukidnon daw ito nag-retreat, na sa totoo lang, malaki ang pinyahan doon, ha! Pero sabi naman ng ilang malalapit na kaibigan niya, nasa Batangas lang ito nag-retreat at wala raw computer, cellphone at kung anik-anik.

Ganu’n ang drama nitong Hayden, pero nabalitaan ko namang dumalo pa ito sa hearing ng Integrated Bar of the Philippines dahil sinampahan nila ng disbarment case ang abugado ni Katrina Halili na si Atty. Raymund Palad.

Anyway, nu’ng huling nakausap ng Startalk si Dra. Vicki Belo, sinabi nitong mula pa nu’ng bagong taon ay hindi na raw sila nagkikita ni Hayden o kahit nagtatawagan dahil napagkasunduan daw nilang hindi muna sila magkikita hanggang sa birthday nito sa May 20 (na birthday ko rin, ha!).

Ilang buwan din ‘yung break na ‘yun para mapag-isip-isip daw nila kung itutuloy pa ba nila ang relasyon nila o hindi. Birthday kasi ni Vicki sa January 25 at sa Linggo ay lilipad ito pa-Amerika para mag-retreat din daw roon.  Bongga sila, ‘di ba? Retreat lang sila nang retreat dahil feeling nila kailangan daw nila ng spiritual healing.

Kaya malalaman natin iyan sa May 21 kung tuloy pa rin sila o hindi. Pero ewan ko lang, ha, kung matatagalan nilang hindi magkikita nang ganu’n katagal.

HINDI NA RAW magsasalita si Kris Aquino tungkol sa kontrobersiya nila ni James Yap, dahil nasabi na raw niya ang gusto nitong sabihin sa The Buzz.

Pero ewan ko lang kung hanggang kailan siya tatahimik at baka magsalita na isa sa mga araw na ito si Mayen Austria na diumano’y sinugod ni Kris. Ito naman ngayon ang kinakalkal ng mga reporters at mga talk shows para sagutin ang mga sinabi ni Kris.

Marami naman ang naniwala sa sinabi ni Kris, pero marami rin ang nagri-react at hindi nila type ang pagsasalita ni Kris.

Dapat daw ay hindi ito sumugod sa bahay nu’ng Mayen at sinunod ang payo sa kanya ng mga kaibigan niya, pati ang pinsan niyang si Reena Teopaco na huwag ituloy ang pagpunta sa bahay nu’ng Mayen. Pero talagang itinuloy ni Kris kaya ito na ngayon, lumaki na at pinag-uusapan na naman siya na sabi ng iba, mukhang gustung-gusto naman ni Kris. May bagong teleserye kasi, kaya tamang-tama na rin sa promo nito.

Kaya hintayin n’yo na lang ‘pag nagsalita na itong Mayen o kung magsasalita na rin si James para magbigay ng kanyang saloobin sa gulong ito.

Alamin na lang natin kung may ginagawa ba si James na magkaayos sila para magkabalikan.

May mga naririnig ako, kaya lang kawawa naman ang mga reliable source. Kaya, saka ko na ikukuwento sa inyo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr., tinitikis ang isa’t isa?! – Lolit Solis

  1. kris kinakarma ka na…… bwahahaha…. kulang pa yan!!!… ngayon, alam mo na anong pakiramdam ng isang wife na may mga putang aali aligid sa hubby….hahahahaha…. magdusa ka kris… isa ka kasing ewan!!!…

  2. alam mo lolit nagkataon na c kris totoong tao hindi katulad mo na saksakan ng kaplastikan gusto mo lang ung mga taong my nakukuha ka!!! cympre ung mga artista baibaitan syo kc baka e negative writes up mo cla!! lahat nman tayo nagkakamali at inamin un ni kris!!! IKAW PERPEKTO KB? kung sa tingin ni kris dun sya magkakaroon ng peace of mind sa pagharap sa babaeng tumatawag kay james yap pabayaan naten sya!!! pamilya nya nasisira eh! d nman pamilya mo!!! totoo nman bakit isa ka lang palang fan tatawag ka para iyakan ang asawa nya to share her problem! natural magdududa un kc babae c kris madaling masaktan at higit sa lahat mahal nya c james yap!!! anong gusto nyo magpakamatir c kris! ikaw man na isang beses ka ng niloko kahit gusto mo magtiwala still d maalis ang magduda!!! tska hello pag babae ka alam na alam mo kung my babae ang asawa mo kahit nga BF mo pa lang ramdam mo na!!!! kaya lolit shut up!!! inngit ka lang kay kris nO!!!!

  3. tulad nyan, si belo at si hayden mas nakakadiri ang ginagawa sa kaimoralan pero mas gusto nyong batuhin yung wala pang ibidensyang iharap kontra kay monkeypak at kreestal.

  4. ang nakaraan ni kris ay isang stigma na kahit balatan nya na parang saging ang sarli nya ay nakakapit na ang kaimoralang ginawa nya not once but many times… under the nose of her loving mother dear, the ex president cory. at kung yung sinasabi nyong nakaraan na at hindi dapat ungkatin dyan kayo nag kakamali dahil si kris mismo ang umuungkat sa mga kaimoralan nya. lahat ng gagawin nya ay babalandra sa kanya.. dahil sya mismo ay napakahilig makialam sa buhay ng may buhay. kada buga ng bunganga nya ay sumasalamin sa klase ng kanyang pamumuhay… makasalanan. wag mong idepensa yan dahil nandiyan lang sa tabi nya ang nag huhumiyaw na ibedensya di ba josh.

    saka kaligayahan na ni kris ang magbuyang yang ng lahat ng baho nila anyway ang kapalit naman ay mapagusapan sya at ini enjoy naman nya kahit kapalit ng pagsasama nila ni james ay itataya nya sa konting glitters and fame ay ibebenta nya kaluluwa nya.

    tinanong nga nya kung anong klaseng ina yung ina ni mayen at kung paano nya pinalaki di man lang tumingin muna sa salamin dahil dapat pumunta muna sya sa libingan ng ina at tinanong nya kung anong klase ring ina si cory kung bakit lumaki ring MASAMANG BABAE si kris. so ibig sabihin kunsintidor na ina si cory.

    kung gusto ni kris na wag mapag usapan isa lang naman ang solusyon…. punta sya sa gumagawa ng sapatos ipa zig zag nya bunganga nya.

  5. Hay naku lolit nag nag comment ka na naman nang wala sa lugar…eh kung ikaw kaya ang lumagay sa kalagayan ni kris baka mas malala pa ang gawin mo…baka mapatay mo pa si mayen? at least si kris nagpakatotoo lang, tama naman si kris sya ang legal wife, ok manang lolit? ika nga past is past huwag mo nang ungkatin pa ang nakaraan ni kris. Ang lahat ng tao may karapatang magbago…un nga lang how i wish na magbago kana lolit…my goodness tumatanda ka nang paurong…magbago kana please!

Leave a Reply

Your email address will not be published.