Dr. Lagmay, Project NOAH Director, TOFIL Awardee

KINILALA SI Dr. Alfredo Mahar Francisco A. Lagmay, scientist at executive director ng Nationwide Operational Assessments of Hazards (Project Noah) isa sa 2013 The Outstanding Filipino (Tofil) para sa Geology and Earth Science sa ginanap na awarding ceremony sa Insular Life Auditorium, Insular Life Corporate Center, Filinvest Corporate City, Alabang, Muntinlupa City noong Miyerkules, Enero 29, 2014.

Sa talumpati ni Pa-ngulong Benigno Aquino III, bilang keynote speaker, sinabi nito na ibinuhos ni DR. Lagmay ang kanyang panahon sa pagsasagawa ng pananaliksik sa geological hazards sa mga lugar na tinatamaan ng kalamidad.

Sinabi rin niya na ipinakita ni Dr. Lagmay kung papaanong magagamit ang teknolohiya para sa kapakanan at kabutihan ng mga Pilipino. Aniya, ang Project NOAH na binuo at pinangunahan ni Dr. Lagmay ay “revolutionary” sa ginagawang paghahanda ng bansa sa mga nararasanang kalamidad.

Ang Tofil Award ay proyekto ng Junior Chamber International (JCI) Senate Philippines at ng Insular Life Assurance Co., Limited.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.