Dr. Eduardo P. Banzon, Bagong Presidente at CEO ng PhilHealth

PORMAL NANG IPINAKILALA noong Lunes, ika-17 ng Oktubre 2011 ang bagong Pangulo at Punong Tagapagpatupad ng PhilHealth.

Malugod na binati ni Health Secretary Enrique T. Ona si Dr. Eduardo P. Banzon bilang bagong Pangulo at Punong Tagapagpatupad ng PhilHealth sa ginanap na flag raising ceremony sa Ynares Sports Arena sa Pasig City, si Banzon ay dati nang nanungkulan bilang Vice President ng Health Finance Policy Services Sector ng PhilHealth. Dumalo rin ni Atty. Alexander Padilla ang Executive Vice President at Chief Operating Officer at ang buong PhilHealth community sa nasabing okasyon.

Bago bumalik sa PhilHealth bilang Pangulo at Punong Tagapagpatupad, si Banzon ay naging Senior Health Specialist ng World Bank at tumulong sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa sa Silangang Asya sa larangan ng health finan-cing, health service delivery at health regulations.

Siya ay nagtapos sa University of the Philippines Diliman ng Pre-Med, kung saan siya ay naging pinuno ng Alpha Sigma Fraternity, ang pinakasikat na fraternity ng campus. Nagtapos din siya ng Medisina sa UP PGH College of Medicine at kumuha ng MSc sa Health Policy, Planning and Financing sa London School of Economics at London School of Hygiene and Tropical Medicine. Siya rin ay naging Clinical Associate Professor sa UP College of Medicine at isa sa mga faculty members ng Ateneo Graduate School of Business.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Banzon ang pangangailangan upang masiguro na ang lahat ng Pilipino ay may health insurance coverage, siguruhin na ang lahat ng miyembro ay may sapat na kaalaman patungkol sa kanilang mga benepisyo at kung paano ito gagamitin. Kanya ring ipinihayag ang kagustuhan nitong ipagpatuloy ang magandang samahan ng PhilHealth sa mga ospital at mga doktor bilang mga partners sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa lahat ng mga miyembro. Kabilang sa pagseguro sa magandang samahan na ito ay ang maayos at mabilis na pagproseso ng mga claims.

Ipinahiwatig din niya ang kanyang pagnanais na i-pagpatuloy ang nasimulang bagong paraan ng pagbaba-yad ng claims, ang case rates na siyang karaniwan nang ginagamit sa ibang bansa. “Wala nang social health insurance na nagbabayad ng fee-for-service. Bibilisan natin ang case payment, kakausapin natin ang Board na kung puwede, lahat ng sakit ay naka-case rate payment na,” aniya. “Ang “walang dagdag bayad” o No Balance billing policy na kabilang sa bagong case rates ay isa sa mga hakbang sa pagkamit sa layunin ng pamahalaan, ang universal health care,” dagdag pa niya.

Positibo rin ang pananaw ni Banzon na maitayo ang PhilHealth Corporate Center sa pinakamabilis na panahon kasabay ng kanyang panawagan sa mas pinagbuting pag-i-invest sa information technology systems at human resources para sa mabilis at maaasahang serbisyo publiko.

Si Banzon ay pang-anim sa naging Pangulo at Punong Tagapagpatupad ng PhilHealth. Sinundan niya sina Atty. Jose A. Fabia na siyang kasalukuyang Director-General ng Philippine Information Agency (PIA), Actuary Enrique M. Zalamea, Dr. Francisco T. Duque III, ang kasalukuyang Chairman ng Civil Service Commission (CSC), Lorna O. Fajardo, consultant ng PhilHealth Board Chairman, at Dr. Rey B. Aquino na dating alkalde ng lungsod ng San Fernando, Pampanga at Congressman.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.