DPWH, sinisisi sa pagbaha sa ilang lugar sa Navotas City

SINISISI NI MAYOR John Rey Tiangco ang pamunuan ng Department of Public Works and Highway (DPWH), dahil sa nararanasang pagbaha ngayon sa ilang lugar sa Navotas City, sanhi ng hindi matapus-tapos na Mega Dike Control project ng nasabing ahensiya.

Ayon kay Mayor Tiangco, nakararanas ngayon ng pagbaha ang Road 10 sa Barangay NBBS, dahil sa nakatiwangwang na Mega Dike Control project ng DPWH.

Sinimulan ng DPWH ang nasabing proyekto noong 2002, pero magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito natatapos.

Dahil sa pagkabalam ng proyekto, nakakaranas ng mga pagbaha ang Navotas at Malabon City.

Ipinaliwanag ng alkalde na hindi maaring bahain ang Navotas City dahil 23 na ang kanilang pumping stations.

Balak pa ng local chief executive na magdagdag ng dalawa pang pumping stations sa Navotas City .

Hindi maiayos ng pamahalaang lokal ang mga dike, dahil nasisira ito ng tubig na nanggagaling sa Mega Control project ng DPWH.

“Kahit pa maglagay tayo ng sangkaterbang pumping station, hindi pa rin ma-reresolbahan ang baha kung hindi aayusin ng DPWH ang kanilang proyekto,’ paliwanag ni Tiangco.  (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.