DPWH SECRETARY, KURAKOT?

NAPAHANGA MAGING SI Pangulong Noynoy Aquino nitong si Ginoong Rogelio Singson dahil sa kanyang paninindigan laban sa corruption.

Natatandaan n’yo pa ba, parekoy, noong magbigay si P-Noy ng kanyang inaugural speech sa Rizal Park?

Special mention ng mahal na Pangulo ang pangalan nitong si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson.

Ayon kay P-Noy, ang taong ito umano ang dahilan kaya naisiwalat ang napakaraming anomalya sa loob ng DPWH… kaya nga naniniwala tayo na isa ito sa mga dahilan kung bakit siya ginawang DPWH Secretary ni P-Noy.

Pero kung ating susuriin ang ilang dokumento, lumalabas, parekoy, na mismong itong si DPWH Secretary Rogelio Singson ay lumalabag din sa batas.

Na sa iba pang termino ay maliwanag din na uri ng corruption!!!

Ayon sa kopya ng “payroll” na ating nasilip, 11 tauhan ni Singson ang naka-payroll sa DPWH.

Ibig sabihin, parekoy, pati kusinero, hardinero at mga dakilang alalay nitong si Sec. Singson ay sa DPWH sumasahod!!!

Oh, hindi ba isang uri din ‘yan ng corruption?

Meaning, hindi naging tapat si Sec. Singson sa maliliit na bagay partikular na sa sahod ng 11 katao na personal niyang gina-gamit.

Aba sir, libo lang ang halaga niyan, ah! Hindi ka na pala mapagkakatiwalaan?

E, ‘di lalo nang hindi ka dapat pagkatiwalaan sa milyon?

Namputsa, parekoy, ibig lang sabihin, nanganganib pala rito kay Sec. Singson ang bilyones na pondo ng Department of Public Works and Highways!

KAPAG NASIBAK SA tungkulin bilang Land and Building Official (LBO) ng Malabon City itong si Engr. Edgar Yanga, baka maniwala na tayo na may “jinx” nga iyang tanggapang ‘yan.

Bakit? Aba eh, ‘yong pinalitan niya r’yan na si Engr. Tumbocon ay nasibak din. At ayon sa ating impormasyong nakalap, corruption din daw ang dahilan.

Kaya pinaaalalahanan natin, parekoy, itong si Engr. Yanga na ayusin na ang kanyang problema sa Brgy. Niugan, Malabon.

Ayon sa ating source, nagbigay na umano si Orly Mallari ng malaking halaga rito kay Engr. Yanga upang maayos na ang mga permiso at/o building permit na kinakailangan sa pagpapagawa niya ng bahay.

Maliban pa sa nasabing halaga, nagbigay rin umano si Mallari ng P7,000 sa isang tauhan ni Engr. Yanga para naman daw sa ilan pang dokumento.

Ang masakit, parekoy, sa kabila ng mga halagang naibigay, hindi pa rin lumalabas ang nasabing buil-ding permit, dahilan para hindi maipagpatuloy ang construction ng bahay ni Mallari.

Kung ako sa iyo Engr. Yanga, ngayon pa lang ay ayusin mo na ‘yang problema mo kay Mallari… malay mo, may Jinx nga ang opisinang ‘yan… lagot ka!!!

INAANYAYAHAN KO PO kayo na makinig sa aking radio program na ALARMA Kinse Trenta mula Lunes hanggang Biyernes tuwing alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa dzme 1530 kHz (dulong kanan ng inyong talapihitan).

Sa programang ito ay inyo pong maririnig ang PAREHAS at WALANG TAKOT na pambabatikos sa mga kagaguhan ng mga taong gobyerno!!!

Maari rin ninyong i-text ang anumang sumbong o reaction sa 0915-2121303 o mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.