DPWH SEC. SINGSON, PINAGKAISAHAN NG MGA KONTRAKTOR

TILA PINAGKAKAISAHAN NG mga kontraktor si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson dahil sa kasaysayan ng departamento, wala pang nag-fail na bidding sa mga proyekto sa kawalan ng nagka-interest na sumali, ayon sa isang taga-Bids and Awards Committee (BAC).

Sinabi pa ng isang kontraktor na ayaw magpabanggit ng kanyang pangalan, na hindi makakaahon sa pagkalugmok ang karamihan sa kanila sa kasalukuyan, dahil sa halip na kumita sila nang kaunti, napupunta na lamang sa kanilang mga tauhan.

Dahil may utos ang kalihim sa kanyang mga tauhan na pilitin ang mga bawat  sasali na kontraktor sa bidding, kailangang below ten percent sa Approved Budget for the Contract (ABC) ang bid proposal na isusumite ng kontraktor, kahit sagad na ang presyo.

Kaninang umaga, wala ni isang kontraktor ang bumili ng bid documents sa tatlong package ng Post-Ondoy rehabilitation project para ipakita kay Secretary Singson ang kanilang pagka-dismaya sa mga nangyayari.

Ito ay kinabibilangan ng Contract Package (CP) –35 sa Nueva Ecija na may ABC estimate na P7,829,254.88; CP-40 sa Laguna na estimate na P15,503,996.64; at ang CP-41 sa Oriental MIndoro na may pondong P41,896,942.75.

Mayroon pang umaali-ngaw-ngaw na usap-usapan ng mga kontraktor na may planong i-boycot ang bawat gagawing bidding ng DPWH upang ipakita ang kanilang pagtutol sa kautusan ng kalihim. (FROILAN MORALLOS)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.