DPWH Sec. Singson, Nagbabala Laban sa Gumagamit ng Kanyang Pangalan

BINIGYANG-BABALA NI Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson ang lahat ng mga kawani ng tanggapan, maging ang pribadong sektor, kaugnay sa lumalabas na balita isang Leo Bautista ang gumagamit ng kanyang pangalan.

Ani Singson, wala siyang pinayagan kahit sa mga kamag-anak niya na mag-facilitate sa mga DPWH projects partikular itong nanggagaling sa MVUC at iba pang mga proyekto ng kagawaran.

Hindi rin umano totoo itong isang Clyde Sasil na itinalaga raw umano ni Pangulong Aquino bilang Regional Director ng Region I at kasalukuyang nag-oopisina sa Malakanyang sa Bagiuo, ayon sa nakakarating na balita sa kalihim.
Kaugnay nito, hinihikayat ng kalihim ang publiko na makipagtulungan sa isinusulong ng departamento tungkol sa Transparency and Accountability Program at i-report sa kanyang tanggapan o sa DPWH Complaint and Action Center ang mga kawaning nanghihingi ng mga pabor sa mga kontraktor.

Ang layunin ng kalihim sa kanyang isinusulong na programa ay upang maibalik muli ang tiwala ng taong-bayan sa isa na pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan sa pamamagitan ng magandang kalidad na trabaho ng mga kontratista.

Hinihikayat din ang mga kontraktor at private sector “to take part in road development as the President has called this administration’s strategy of rectifying errors as ‘daylight’ and where everything to be done is clear, honest and transparent.

(FROILAN MORALLOS)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.