DPWH, nagbibingi-bingihan sa ‘barter’ isyu

TILA BINGI ANG pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pumuputok na isyu ng ‘barter’ o ‘exchange’ sa disposal ng Beechcraft Super King B 200 eroplanong pag-aari ng kagawaran .

Ang sinasabing eroplano ay binili ng departamento nong March 26, 2008 sa Philippine Long Distance Telephone Company sa halagang P121,144,185.20 batay sa isang Deed of Sale.

Noong July 2010, ipinagpalit ito ni dating DPWH Secretary Victor Domingo kay Franklin Soriano Ciriaco, may-ari ng Ciriaco Construction Company sa 13 heavy equipments na kinabibilangan ng 5 Dump Truck, 2 Bulldozer, 2 loader Komatsu, 2 Grader Komatsu at 2 excavator.

Pagkatapos ng swaping, ang naturang mga heavy equipments ay dinala umano ng mga taga-DPWH sa Region III, ngunit hindi maipaliwanag ng mga tumanggap kung bago o luma ang mga binabanggit na heavy equipments.

Ayon sa isang insider, napagkasunduan sa pagitan ni dating Secretary Domingo at Ciriaco na mga brand new heavy equipments ang ipapalit, kung kaya’t naging matagumpay umano ang kasunduan.

Sinabi naman ng isang tauhan ng DPWH na hindi siya makapaniwala na mga bago ang ka-gamitan dahil aniya kung talagang mga brand new ang 13 mga heavy equipment dapat ang central office ang tatanggap ng mga ito.

Kaugnay nito, hinihiling ng mga rank and file na kawani ng departmento sa mga taga-Commission on Audit na busisiin ang naturang transaksiyon, kung may nangyari mang iregularidad. (FROILAN MORALLOS)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.