DPWH, KINALAMPAG NG TRUCK OPERATORS

KINALAMPAG ANG DEPARTMENT of Public Works and Highways (DPWH) ng hindi kukulangin sa dalawang daang truck operators kasama ang kanilang mga driver bilang pagtuligsa sa Anti-Overloading Law na ipatutupad ng departamento sa dara-ting na buwan ng Pebrero.
Umabot ng mahigit sa isang oras ang ginawang pag-iingay ng mga truck driver sa pamamagitan ng kanilang mga malalakas na busina sa harapan ng DPWH main office sa Bonifacio Drive, Port Area, Manila.

Pinangunahan ng mga opisyales ng Alliance of Concerned Truck Owners and Organization (ACTOO) ang nasabing aktibidades na nagbigay ng pagkabuhol-buhol ng trapiko magmula North Harbor hanggang Luneta Park.
Nabatid mula sa ACTOO spokesman na si Jay Castillo na kapag ipinagpatuloy ang panghuhuli ng DPWH sa kanilang mga truck, maaapektuhan ang ekonomiya sa pagkakatigil nila sa hakot ng mga container van sa South at Manila North Habor. At maging ang importers, sapagkat may posibilidad na mabulok ang kanilang mga kargamento lalo na ang mga prutas o perishable goods na nanggagaling sa iba’t ibang bansa.

Iginigiit pa ang mga ito na ibasura ang Anti-Overloading Law o RA 9784 dahil salot ito sa kanilang pangkabuhayan, partikular na sa kanilang mga driver na siyang pinagkakakitaan, ayon pa kay Castillo.
Samantalang binigyan naman ni DPWH Secretary Rogelio Singson ng tatlong buwan ang mga truck operators bilang moratorium upang masusing pag-aralan ng mga ito ang nasabing batas.

Kinondena  naman ng ilang kawani ng DPWH ang ginawang hakbang ng mga truck operators, dahil anila, ang iniisip lamang ng mga ito ay ang kanilang kapakanan kaysa kaayusan ng lansangan sa Metro Manila.

(FROILAN MORALLOS)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.