DPWH Employee, Utas sa Trak

NASAWI ANG isang empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPHW)-Cagayan de Oro matapos maipit sa sinasakyang truck sa Calauag, lalawigan ng Quezon.

Base sa report ng mga awtoridad, galing Cagayan De Oro ang naturang biktima na kinilalang si Fernando Cordero, 59-anyos na nakasakay sa dump truck ng DPWH at minamaneho ni Jose Quijaño.

Pagdating sa bahagi ng Calauag, Quezon ay tinangka ng driver na umiwas sa kasalubong na truck matapos mag-overtake sa sinusundang sasakyan sa isang makurbang bahagi ng highway.

Dahil dito, bumangga ang minamanehong truck ni Quijaño sa isang puno kung saan naipit ang biktima at namatay dahil sa lakas ng impact.

Samantala, dinala na ang labi ni Cordero sa isang funeral homes habang hawak na ng mga awtoridad ang dump truck driver na maaaring maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.