DPWH-BOE, PINABUBUSISI KAY SEC. SINGSON

PINABUBUSISI KAY SECRETARY Rogelio Singson ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang damakmak na anomalya sa Bureau of Equipment (BOE) noong nakaraang pamunuan upang managot sa pamahalaan ang nasa likod nito.

Ayon sa sulat na ipinarating sa kalihim ng isang BOE insider na ayaw magpabanggit ng kanyang pangalan, uunahin ng kalihim ang imbestigasyon sa mga draga na ginawang palabigasan ng ilang opisyal sa pamamagitan ng mga bogus na spare parts supply deliveries sa mga draga na pinagkakitaan ng ilang opisyal ng limpak-limpak na salapi sa loob ng mahabang panahon.

Katulad nitong ibinulgar ng isang engineer ang Dredge Pinatubo II-B na ginastusan ng P35 milyon, aniya, hindi pa kasama ang kakailanganing accessories para sa naturang draga kung kaya’t higit sa P35-M ang nagastos dito.

Sa draga ng Pinatubo II-A, ganoon din ang perang inilaan dito para sa rehabilitasyon, ngunit naging pipi at bingi ang pamunuan ng departamento sa kabila ng mga isiniwalat na anomalya ng nasabing kawani.

Gayundin ang Dredge 10-3 na nasa Surigao Del Norte na lumubog sa karagatan ng Misamis Oriental habang hinihila ng hauler patungong Surigao, ngunit pinabayaan ito ng mga taga-BOE at wala pang balita kung ipinaayos na ito.

Kasabay na hinihiling ng mga nasa rank and file na kawani ng BOE na sumailalim ng lifestyle checks ang pitong opisyal sa BOE dahil sa hindi maipaliwanag na kayamanan ng mga ito.

Ang isa rito umano ay mayroong apat na magagarang bahay bukod sa mga sasakyan. Ang isa naman ay nakapag-pundar ng hindi bababa sa P8 milyong babuyan, samantalang ang tinatanggap na suweldo ay hindi pa aabot ng P20,000 kada buwan.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.