DOST-SEI 2014 Scholarship Exams sa Zambo, Postponed muna

PANSAMANTALANG PINAHINTO muna ni Department of Science and Technology Secretary Mario G. Montejo ang napipintong 2014 Undergraduate Examinations ng Science Education Institute sa Zamboanga City at kalapit lalawigan dahilan sa nakaraang bakbakan ng gobyerno at Moro National Liberation Front.

“We shall announce through the media the new schedule of the exams in the affected areas,” ayon kay Science Education Institute Director Dr. Filma Brawner.

Dagdag pa ni Montejo, ang mga pagsusulit ay gaganapin at naka-iskedyul ng September 22 sa mga lugar ng Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Dipolog City, Pagadian City, Basilan Province, Sulu, at Tawi-Tawi.

Ayon pan sa kalihim, ang mga lungsod ng Dipolog at Pagadian ay nakabilang batay na rin sa suhestiyon ng DOST IX Regional Office.

Habang ang mga pagsusulit sa mga lalawigan ng Basilan Province, Sulu, at Tawi-Tawi ay kinansela dahil ang mga magsisipag-exam ay ‘di makalipad at makapunta sa kanilang lugar na pag-e-exam-an. Tinatayang nasa 1, 809 examinees sa eight (8) test centers sa nasabing lugar ang apektado ng pagpo-postpone.

Samantalang makikipagtulungan at makikipag-coordinate na lang si SEI Director Dr. Filma Brawner sa susunod na iskedyul ng pagsusulit sakaling matapos na ang gulo sa Zamboanga at magbalik ang sitwasyon sa normal.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.