DOST Scholars, Priority ng DepEd na Magturo sa Public High Schools

NAG-ISYU NG memorandum ang Department of Education (DepEd) hinggil sa pagha-hire ng mga bagong guro sa Mathematics at Science-related subjects sa mga public high school.

Lumalabas sa DepEd memorandum 114 Series of 2013 para sa mga regional director, prayoridad na i-hire para maging guro sa sekondarya ang mga nagsipagtapos sa Department of Science and Technology (DOST) Science Education Institute Scholarship Program.

Ayon kay DepEd Sec. Armin Luistro, ang mga iskolar ng DOST Science Education Institute ay pumirma sa kasunduan na kapag nagtapos sila sa kurso ay obligadong magturo sa public high school kung saang rehiyon sila nagmula.

Katumbas aniya ito ng taong kanilang pinakinabangan mula sa scholarship program.

Samantala, nilinaw naman ng kalihim na kailangan pa ring pumasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) ang mga grumadweyt na science scholars para mabigyan sila ng permanent position.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.