DOST-NCR, Isinusulong ang Kapakanan ng mga Imbentor

IMBENSYON ANG siyang naging susi sa kaunlaran ng mga mayayaman at tinitingalang bansa ngayon. Kaya nga sa pagdiriwang ng National Invention Contest, hinihikayat ng Department of Science and Technology-National Capital Region (DOST-NCR) ang mga kabataan na makibahagi.

Sa ginaganap na NIC sa Technological Institute of the Philippines sa Lungsod Quezon, makikita ang mga likha ng mga mahuhusay nating imbentor, na ‘di lang magsusulong ng appreciation sa Agham at

Teknolohiya kundi mag-aangat din sa kalidad ng ating bansa.

Sa dating panayam kay DOST-NCR Director Dr. Tess Fortuna sa isang okasyon ng kagawaran, kanyang nabanggit na kailangan ng bayan ang patuloy na pagkilala at pagsuporta ‘di lang ng pamahalaan pati rin ng pribadong sektor sa galing ng Pinoy.

Ang paaralang pinagdausan ngayon ng NIC ay bantog sa mga kursong pang-Agham at teknolohiya, Inhinyerya at mga Teknikal na kursong naglalayong iangat ang kalidad ng kaisipang teknikal tungo sa

pagsulong ng industriyalisasyon ng bayan.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.