DOST at iba pang ahensya, inatasan ni PNoy na bilisan ang assessment sa mga gusaling nilindol

INATASAN NI Pangulong Benigno S. Aquino III ang mga ahensya ng gob-yerno, kabilang ang Department of Science ang Technology, na bilisan na ang assessment sa mga gusaling nilindol kamakailan sa Cebu at

Bohol upang malaman ang structural integrity ng mga ito.

Matatandaang ang mga ahensyang gaya ng Philippine Institute of Vulcanology and Seismology ay bahagi ng DOST, pati ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na siyang katuwang sa mga isyu ng disaster risk reduction and management.

Nasa DOST rin ang mga dalubhasa sa Geology at lupa, pati ang mga miyembro ng akademya na maaaring mahingan ng tulong sa mga katulad na sakuna at insidente dahil sa kanilang expertise.

Kabilang sa mga gusaling nasira ng lindol ay ang mga matatanda nang gusali ng pamahalaan, mga historical landmark at mga simbahan na daan taon na ang edad.

Katuwang din sa assessment ang National Commission for Culture and the Arts at mga ahensyang nasa ilalim nito gaya ng National Historical Institute of the Philippines pati ang Simbahang Katoliko at mga ahensya sa ilalim nitong nangangalaga ng mga makasaysayang simbahan.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.