Dos kinakabahan na Piolo Pascual, ‘di pa rin pumipirma ng bagong kontrata!

NILAYASAN NA NINA Milagring, Mariposa at Luningning ang Wowowee ni Willie Revillame at nasa bakuran na ito ngayon ng TV5. At ayon sa tatlo, may blessings daw ni Willie at ng dati nilang manager na si Ana Feliciano ang kanilang pag-alis.
Hindi maibigay nina Milagring, Mariposa at Luningning ang tunay na dahilan nang kanilang pag-alis. Pero kung paniniwalaan ang tsika, ang katandaan nila ang dahilan. Higit na mas bata kasi sina April at Aiko na siya ngayong apples of the eye ni Willie.

Sinabi nina Luningning, aminado silang mas bata ngayon ang dancers nina Willie, subalit tumanda man sila ay higit silang mas mukhang bata kumpara sa ibang mananayaw ng komedyante. “Hindi namin itinatangging may edad na kami pero ganito ba ang matanda,”pahayag iyon ni Luningning.
Sa kabilang banda, ang isa pa rin daw sa hindi nagustuhan nina Milagring at Luningning ay sobrang liit ng talent fee na nakukuha nila sa kanilang manager, na feeling ng tatlo, para bang hindi sapat ang ginagawa nilang pagpapakahirap para kumita nang sapat.

“Basta ang masasabi ko lang, maraming salamat na lang kay Kuya Willie at Ate Ana (Feliciano).” Pagwawakas ni Milagring na para bang hindi kawalan sa kanilang tatlo kung wala na sila ngayon sa bakuran ng ABS-CBN, dahil may bago na sila ngayong tahanan at ito ay ang TV5 ni Mr. Manny Pangilinan.

HINDI PA NGAYON ang pag-alis ni Alex Gonzaga sa programang Juicy ng TV5, pero huwag na tayong mabigla kung isang araw ay wala na rin siya sa programang dati niyang pinagbibidahan. Dahil ayon sa aming source, mukhang hindi gusto ni Mommy Pinty (ina at manager ni Alex) ang bagong format ng nasabing programa ni Alex.

Kung tatanungin si Alex sa kung ano ang tunay niyang nararamdaman ngayong kasama na nila ni IC Mendoza si Miss Cristy Fermin, isang matamis na ngiti lang ang kanyang sagot. Ayaw magbigay-komento ng aktres sa tunay niyang feelings. Pero ramdam namin na mas masaya siya noon kesa ngayong panghapon na ang kanilang programa ni IC.

SPEAKING OF IC, sabay sa agos lang si IC sa kung ano at saan patutungo ang bagong programang Juicy, pero sa maikling pagsasama namin sa nasabing programa, dama namin ang kanyang lungkot hindi lang sa pag-alis namin nina Rey Pumaloy at Pet Ampoloquio, kundi dahil isa na lang siya ngayon sa mga “sahog” ng nasabing talk show.

Malaki ang aming paniniwala na kung minahal ng mga tao ang dating Juicy na napapanood sa umaga, magtatagumpay din ang bagong Juicy sa bago nitong time slot, dahil naririyan at aariba na naman ang tunay na reyna ng mga intriga, si Cristy Fermin.

Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga nakapanood sa amin noong mga panahong kami po ay nasa Juicy pa. Thanks.
VERY CLOSE SI Manny Pangilinan at Dingdong Dantes at ito ang tunay na dahilan kung bakit tatapusin lang ni Dingdong ang kontrata nito sa GMA at lilipat na ito next year sa TV5.

Hindi raw kasi magawang lumipat ni Dong patungong TV5, dahil bukod sa marami pa siyang commitment sa Siyete ay hindi pa tapos ang kanyang kontrata.

Sa kabilang banda, kinakabahan ang Dos kay Piolo Pascual, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin pumipirma ng bagong kontrata ang aktor sa kanyang TV station. Marami tuloy ang nag-iisip na malamang ay magulat na lang tayo isang araw, kasama na ni Ruffa Gutierrez ang aktor sa bago nilang kuwadra.

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

28 thoughts on “Dos kinakabahan na Piolo Pascual, ‘di pa rin pumipirma ng bagong kontrata!

  1. Noynoy Aquino sira ulo pala. Mabuti nalang nalaman natin agad kundi baka magkaroon tayo ng presidente na may tupak. Napakadami yata ng problema ng presidente paano kaya ito haharapin ni Noynoy baka matuluyan na syang dalhin sa mental hospital

    Sino kaya ang angkan ng mga abnoy (may tupak) Aquino o Cojuangco. Namana lahat ni Kris at Noynoy

  2. kapamilya i love pero di kona type piolo para kcng totoo n ang chismis na gay talaga sya.. sana gayahin nya si rustom, magcome out na sya.
    wala kc syang gf na napapabalita e.

  3. john lloyd cruz is now the superstar of kapamilya because of his blockbuster movies & countless endorsements & admit it piolo pascual teleseryes & movies are flopped/ didn’t do well kaya there’s rumor na he might transfer to another station. well, business is business in abs!

  4. ano ba naman kayo pinoy parazzi, kailan ba ninyo ia-update tong column nyo? panahon pa ni kopong-kopong ang mga balita nyo eh! :-(

  5. I don’t think Piolo will move to GMA career suicide ang gagawin niya. mas mabuti pa siyang gumawa ng project sa TV5 hindi naman exclusive Ok lang pero sa GMA baduders lang magyayari sa kanya sana nga matapos na contrata ni claudine para makabalik na siya sa ABS

    • Dapat sa kanya, concentrate na lang sa pag-produce. Mas lalu siyang yayaman. Kimi Dora is an example. Sequel is coming. Blockbuster uli ito.

    • wow hanggang dito pa rin ba naman bashing GMA ka pa rin.

      Sobrang die-hard kapamilya ka na di ko na alam ang tama at mali.

      Ang mga kapamilya pasosyal lang kaya wag ka magsabi na baduy ang GMA.

  6. GO PIOLO GO, HINDI KA KAWALAN SA ABS. SABI NGA WALA KA NA TALAGANG CAREER KAYA DAPAT MAG ISIP ISIP KA NA. LUMIPAT KA NA SA GMA PARA MAKASABAY KA SA MGA PEKENG KASIKATAN NG MGA ARTISTA SA GMA. KAYANG KAYA YAN SA AGB, GROCERIES LANG ANG KATAPAT HAYUN SIKAT KA NA NAMAN SA RATINGS, HEHEHEHEHE

  7. asus…..sa sampung scoop nitong si morly alinio eh eleven ang sala at palpak…..dapat sa mga bading na ito eh ipabugbog ng maging matino…..

    • Agree ako sa yo, sa mukha pa lang ni Morly , hindi na mapagkatiwalaan.

      Basta artistang hindi tiga cbs ebn, sobrang manira ito.

      Kampon kasi si Morly ni Evil kabayong Sukaldito. Nakakasuka talaga.

  8. gimik para taasan ang TF ni papa P. sabagay tumatanda na ang binata at in no time hihingi na ng bayad mga guys na type niyang hadain?

  9. I don’t think lilipat c dingdong noe piolo s ibang istasyon if they are smart enough na kapag lumipat cla baka matulad cla ke Angel na bumulusok paibaba ang career…

    Saka c DD hello kaliwat kanan ang projects s gma at naduon pa yung Asawa niya so I dont think so…

    Dapat kasi ok lang kahit san istasyon mapunta yung mga actors para maraming work at yung growth ng artista at talents eh magflorish d ba s Korea Taiwan ganun cla kahit san…….

  10. Yan ang mahirap sa DOS. Ung ibang sikat na artista ni isang palabas wala buti pa si Kris Aquino 4 ang shows. Ganun sya kalakas sa management.

  11. Anu ba yan..

    kung nag-liipatan na lahat, WALA NG NETWORK WAR!

    Wala na rin kwenta ang telebisyon…

  12. sus imposibleng aalis si piolo sa abs.. ang laki laki ng kinikita niya pag heartthrobs concert sa abroad.. siya ang may pinakamalaking talent fee..

    • eh hindi nga pera ang kailangan nya, intindihin nyo naman ang feelings nya na miss nya na ang dyowa nya!!!! di va mama piola?????????? sya go ahead sundin mo ang tibok ng puso mo, kung saan si papa dapat nandun ka rin mama piola. hahahahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.