‘Dos and Don’ts’ ngayong araw ng Eleksyon

SA PAGBUBUKAS ngayong araw ng halalang pambarangay, may ilang reminders ang Commission on Elections (Comelec) para sa mahigit 55,000 registered voters na inaasahang lalahok sa gaganaping eleksyon.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Arthur Jimenez na pinapayuhan ang mga kababayan na magdala ng “valid ID” sakaling hanapan sila ng mga elections officers.

Pinaalalahanan din nito ang mga botante na kaila-ngang malinaw ang pagkakasulat ng pangalan ng mga napiling kandidato sa balota para mabasa at mabilang ang kanilang boto.

Mayroon na aniyang nakalaang marking pen sa mga polling precincts kung kaya’t hindi na rin kailangang magdala ng lapis o ballpen.

Ayon pa kay Jimenez, mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng litrato sa mga “filled-up ballots” at ang pagsusuot ng mga “campign T-shirts” sa loob ng polling areas.

“Do NOT take a picture of your accomplished or filled-up ballot.. The wearing of campaign clothing, including chalekos NOT ALLOWED in the polling centers and polling places,” ayon sa opisyal.

Samantala, inihayag naman ni PNP spokesman S/Supt. Reuben Theodore Sindac na mas mataas ngayon ang bilang ng mga election-related incidents kung ikumpara sa 2010 barangay elections.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.