Doris, kasama sa movie ni Gov. Vilma Santos

KASAMA RIN pala sa first indie film ng Star For All Seasons na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto na Ekstra, released by Star Cinema on August 14, ang isa sa dalawang kasambahay sa Be Careful With My Heart na si Tart Carlos na mas kilala bilang si Doris.

Itinama kami ni Doris na ang unang sasakyan daw na Toyota Avanza na naipundar niya ay katas ng pagtatrabaho niya noon sa teleseryeng Mundo Man ay Magunaw.

Ngayon naman daw nang dahil sa pagsisikap niya at bilang parte ng kilig-serye na Be Careful… ay nakapagpundar na rin daw si Doris ng dalawang condominium units, isa raw sa Pasay at isa sa San Juan.

Although nakatira pa rin daw siya sa kanilang bahay sa Taguig.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.