Doris at Sabel, big time na!

ABA! BALITA namin ay big time na ang dalawang pinakasikat na kasambahay sa buong Pilipinas na sina Doris at Sabel mula sa Be Careful With My Heart!

Nakabili na raw pareho sina Doris at Sabel ng kanilang kauna-unahang brand new car na ginagamit na nila ngayon sa kanilang mga taping!

Napakalaking bagay rin para sa kanila ang tinatamong success ng seryeng kinabibilangan nila, lalo na’t isang taon na ito ngayon. At balita namin, kahit maipalabas na ang movie version sa darating na Metro Manila Film Festival sa Pasko, dire-diretso pa rin ito sa pag-ere next year (2014)!

We heard, three times daw ang taping nina Doris at Sabel sa isang linggo, kaya malamang-lamang, nakaipon talaga nang husto ang dalawa ng pambili ng kotse!

Bukod sa tapings, nakakasama pa sila sa shows abroad with the main cast! Kahit sa mga out of town shows dito sa Pilipinas, join pa rin ang beauty ng dalawa kadalasan. Gaya ng sa darating na show nina Richard Yap o Ser Chief at Jodi Sta. Maria o Maya sa Butuan City sa August 3 (2013), kung saan makakasama rin nila ang baguhang young actor pero magaling umarte na si Arjo Atayde na panganay ng mahusay ring aktres na si Sylvia Sanchez.

Sana nga, magtuluy-tuloy rin ang kasikatan nina Doris at Sabel, dahil mahuhusay rin naman silang magpatawa, lalo na sa mga live show, at tumagal sila sa showbiz industry. Pero huwag lalaki ang mga ulo, at makaipon sana sila ng kanilang mga kinikita at marunong tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakatulong sa kanila noong wala pa sila.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.