Donut Gang, Muling Umatake sa Pasig

MULING UMATAKE ang mga hinihinalang kasapi ng Donut Gang o grupong nagnanakaw ng mga gulong ng sasakyan.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, nakatanggap ng tawag ang mga guwardiya ng Home Depot sa Julia Vargas Avenue na may mga lalaking sakay ng Toyota Revo na nagnanakaw umano ng gulong ng mga sasakyan.

Agad na isinara ng mga guwardiya ang lahat ng gate ng Home Depot, pero nagawa pa ring makatakas ng mga salarin.

Sinabi ni Pasig Police Chief Sr. Supt. Mario Rariza na nagkaroon pa ng habulan pero nakatakas din ang dalawang salarin.

Inabandona naman ng mga ito ang sinasakyang Revo ilang metro ang layo mula sa naturang establisyemento.

Narekober doon ang dalawang gulong ng Montero, isang bolt cutter at isang I.D. ng pulis.

Samanatala, inaalam na ng mga kinauukulan kung sino ang may-ari ng naturang Revo habang bineberipika kung sa pulis talaga ang nakuhang I.D. sa loob ng sasakyan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.