Donna Villa: Napulitika lang kami! – Tita Swarding

OLACHIKKA! Talagang hindi na maawat ang nag protesta tungkol sa isyung National Artist ng bansa. Palaki nang palaki ang isyu. Kesyo kung sinu-sino na ang nadadamay. Hinahalungkat ang hindi na dapat mahalungkat, kung puwede nga ang pagkatao ng isang tao ay apakan ay apakan na lang. Ipinarating na nga sa  pinakamataas na hukuman ng bansa o Supreme Court ang kaso upang hindi maigawad o matutulan ang pagbigay ng National Artist tulad ng komiks artist at direktor na si Carlo J. Caparas at marami pa dahil hindi raw ito karapat-dapat. Agad na nag bigay ng pahayag  ang asawa ni Carlo na si Donna Villa. Ayon sa asawa ng magaling na direktor, “Nirerespeto po namin at bahala na po ang korte diyan, Tita Swarding, at may tiwala naman kami sa justice system ng bansa. Sana tigilan na nila at lalong napulitika lang kami lalo na ang asawa ko.” Nilinaw rin ng may-bahay ni Carlo ang isyung tatakbo ito sa darating na halalan sa mataas na posisyon sa pulitika. “Tita Swarding, gusto lang i-represent ni Carlo ang boses ng ating mga kababayan lalo na ‘yung mga inaapi. Alam mo naman si Carlo, matulungin at gusto talagang tumulong lalo na sa mga nangangailangan. Pero hindi pa naman sure kung tatakbo nga siya.” Nakakalerke, ha! Pero hangang ngayon ay hindi pa rin tinigilan ang mga nahirang na National Artist ng intriga, kung anu-ano na ang ibinabato sa kanila. Naku, ha! Kelan kaya ito matitigil? Sana maayos na.

PATI ANG FORTUNE teller na si Madam Venus ay naloka rin sa aking blind item nu’ng isang araw. Kaya para ma-sure talaga ang tungkol sa isang sikat na actress na nagpalaglag  ay sinabihan ko si Madam kung ano ang kanyang nakikita sa actress na ito at totoo ba na nagpalaglag. Aba,walang kakurap- kurap ang sinabi ni Madam at bungad niya, “Yes, tita Swarding,nakita ko na may dugo at mukhang nagbuntis nga itong actress na ito.” Naloka ako ng sabihin ito ni Madam dahil bukod sa aking Parazzi Girl na natunton pa talaga ang ang clinic kung saan nagpag-abort nga raw itong si sikat na aktres at dahil sinabi rin ito ng doctor, para ma sure din ay pinahulaan ko ito kay Madam Venus. Pero dagdag pa ni Madam,tuloy parin daw ang pag-arangkada nitong si actress. Tuloy parin daw ang pagmamaldita nito. Hmmm…Kalerke, ha! At naloka ang doctor na nag tsika sa aking Parazzi Girl dahil narinig rin niya ito sa aking programa sa DZRH at nabasa rin dito sa Pinoy Parazzi ang  tungkol sa sikat na actress na nagpalaglag.Naloka ang doctor dahil hindi niya akalain na isapupubliko ito. ‘Yun na! Abangan ako diyan sa Subic bukas kasama ko ang ilan pang mga kasamahan ko sa hanap-buhay. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

4 thoughts on “Donna Villa: Napulitika lang kami! – Tita Swarding

  1. wag sila sisihin nyo, di naman cla ang namili pra sa sarili nila para maging national artist, sisihin nyo ung mga bumoto

  2. hoy googles tanga! wala kang magawa kungdi mag commebt. magtrabaho k! patay gutom! puro artista laman ng utak mo! tanga!!!!!!!

  3. hay naku swarding bayaran ka talaga papano mo mapapaliwag na NAtional Artist si Caparas eh wala naman kuwenta yung mga horror movies nila …

Leave a Reply

Your email address will not be published.