DONASYONG PAMBILI NG GAMOT, IPINANGLAKLAK NG BANSOT NA AKTOR

BLIND ITEM: NAKAKA-LOKA, as in nakaka-baliw naman itong isang bansotelyong aktor na pinuntahan namin kamakailan sa isang malayong lalawigan para bigyan ng konting donasyon dahil sa natamo niyang pinsala sa katawan.

Ang sabi niya sa interbyu, naubos nang lahat ang mga naipon niyang pera dahil sa kanyang sakit. At ‘yon din ang dahilan kung bakit pinuntahan namin siya kasama ang ilan pang kaibigan.

Matapos na bigyan namin ng ilang kagamitan at konting pera na pambili ng gamot ay nagpaalam na kami sa bansotelyong actor. Pero habang bumabagtas kami pabalik ng Manila ay tinawagan kami ng isang boss at sinabi nitong balikan namin ang aktor.

Bumalik naman kami, pero naloka kami sa aming nadatnan. Dahil si Aktor na iyak nang iyak kanina ay nakikipaglaklakan na ng alak sa kanyang mga kaibigan with matching chicken adobo pa ang kanilang pulutan.

‘Kaloka! Sa alak at pulutan lang pala ang donasyong pambili ng gamot! Hahaha!

MAYABANG AT ANTIPATIKO ang dating ni John Prats at ‘yon marahil ang dahilan kung bakit biglang nawala ang career ng actor matapos na ito ay mapansin noon sa Pinoy Big Brother.

Marami sa mga kasamahan sa showbiz ang hindi na feel interbyuhin pa si John dahil kapag ito ay tatangkaing kausapin ng movie press, animo’y para itong nakakakita ng multo na hindi mo maintindihan

“Kunsabagay, hindi naman hot item ngayon si John para pagtiyagaan siyang kausapin ng movie press unless may ipo-promote siyang movie or soap opera, keri lang,” pahayag ‘yon ng isang kasamahan na ‘nakatikim’ ng kamaldituhan ng aktor.

Tsk… tsk… tsk… Totoo kayang mayabang at antipatiko na ngayon si John?

Well, matanong ko nga siya kapag nagkita kami. Pero ang tanong: Magpainterbyu kaya siya? Hahaha!

NAKAKALOKA SI ROSANNA Roces! Mas inaatupag ang lovelife kesa sa showbiz career, kaya ang beauty ng hitad, hayun, panay lang ang tuwad. “Naku, Morly, masarap mainlab, ‘no!” tili ni Osang kaugnay sa bago niyang boyfriend na guwapong bagets.

“’Yung attorney? Naku, wala na ‘yon, lasenggero ‘yon! Walang mapapala ang lola mo do’n! Kaya goodbye na sa kanya!” humahalakhak  pang sabi ni Osang.

Sinabi ni Osang, hindi man siya napapagkita sa showbizlandia ay abala naman siya sa kanyang mga apo at sa isang indie film na kanyang ginagawa. Aniya, “Naku, Morly, kung iisipin kong lahat ang mga problema, baka masiraan ako ng bait!”

Sey ni Osang, wala siyang pinagsisisihan sa mga naging desisyon at mga nagawa niya noong kasagsagan ng kanyang career. “Lahat ay gagawin ko para sa kapakanan ng aking mga anak. Hindi man ako perpektong ina, at least, ipinakikita at ipinadadama ko kina Grace at Onyok, at sa mga apo ko kung gaano ko sila kamahal.”

More Luck
by Morly Alinio

loading...

3 thoughts on “DONASYONG PAMBILI NG GAMOT, IPINANGLAKLAK NG BANSOT NA AKTOR

  1. in fairness,,may bredding at values si john pratts,,kaya iwas lang sya sa mga pashownizan ek ek,,pero mabuti syang tao,,namimili ng frens..

    we love ROSANA ROCES,,sana magbalik movies at tv sya,,,ganda at magaling na actress,,,i adore her as a mother tlaga,,,dapat lang,,maging modelo sya sa mga anak nya,,diba,,wag naman nyang sayangin ang life nya just for the non sense guys,,gagamitin at lolokohin lang sya ng mga guys na bata sa kanya,,,tapos,,nasasaktan syang sabihang matrona ,..e ganun na nga dating nya,,,diba,,osang,,pipol love u,,mas mamahlin ka kapag nakikita nilang nasa ayos ka at focus sa pagiging ina at loa,,yun lang,,sana makilala ni osang si GOD diba,,,importante iyon,,ng malalim,,godbless her,,

  2. Pingback: Tweets that mention DONASYONG PAMBILI NG GAMOT, IPINANGLAKLAK NG BANSOT NA AKTOR | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.