Donasyon mula sa foreign donors, ‘di itinatago sa Yolanda victims

TINIYAK NG Palasyo na hindi iniipit ang international aids para sa pagbangon ng mga biktima ng supertyphoon Yolanda.

Kamakailan ay nag-rally ang ilang Yolanda victims sa harapan ng bahay ng mga Aquino sa Times Street sa Quezon City para ireklamo ang umano’y pangho-hold sa naturang mga donasyon mula sa foreign donors.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, malinaw namang nakasaad sa FAiTH website ang mga foreign donations, kung natanggap na at saan napupunta.

Sinabi ni Lacierda na determinado rin ang pamahalaan sa pagba-ngon ng mga biktima at patunay dito ang nagpapatuloy na recovery at reconstruction efforts.

Kinumpirma rin nito na hawak na ng Pangulong Noynoy Aquino III ang ulat ni Public Works Sec. Rogelio Singson kaugnay sa alegasyon sa bunkhouses anomaly.

“I think the foreign pledges of assistance can be found in the FAiTH website where you could see there the pledges of assistance from various countries. We have already mentioned before that all these pledges of assistance do not necessarily go to the Philippine government itself. If you look through the FAiTH website, makikita mo roon kung saan napunta iyong pledges of assistance. Una, kung natanggap na; pangalawa, kung saan papapunta ‘yon or napunta iyong pledges of assistance or donations. So kung meron man tayong natatanggap through the government itself tatlo lang naman ang pupuntahan niyan eh: ang NDRRMC, ang DSWD and let me check the other one. Iyong tatlo lang agencies ang tumatanggap ng donations through us. It’s course through us tapos binibigay sa kanila ‘yan,” pahayag ni Lacierda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.