Donaire, wagi kontra Hapones

MATAGUMPAY NA nadepensahan ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. ang kanyang titulo laban sa Japanese boxer na si Toshiaki “The Speed King” Nishioka via technical knockout (TKO) sa The Home Depot Center sa Carson, California kahapon.

Napatumba ni Do-naire sa ikalawang pagkakataon si Nishioka sa huling 1:54 ng Round 9.

Pinigil na ng referee ang laban matapos lumapag ang counter ng Pinoy boxer sa mukha ng Hapones.

Una nang napatumba ni Donaire ang kalaban sa huling isang minuto ng Round 6 sa pamamagitan ng isang uppercut.

Sa unang round pa lang ng laban ay nagpakita ng mabilis na footwork at malalakas na suntok si Donaire laban kay Nishioka.

Tuluy-tuloy ang pagi-ging agresibo ni Donaire laban sa Hapones, na patuloy naman sa pag-ilag sa mga suntok ng “The Filipino Flash”.

Kasalukuyang hawak ni Donaire ang 30-1 na win-loss record kung saan 19 rito ang knockout.

Dahil dito, nanatili pa rin sa Pinoy boxer ang kanyang World Boxing Organization (WBO) at International Boxing Federation (IBF) super bantamweight titles.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.