Donaire, Wagi kay Darchinyan

MULING NAGWAGI si “The Filipino Flash” Nonito Donaire Jr. kontra kay Vic Darchinyan sa rematch sa Texas.

Sa pamamagitan ng kaliwang kamao, pinabagsak ni Donaire ang dayuhang boksingero sa ika-siyam na round.

Tinawag na “the most dangerous punch” ng HBO Boxing ang suntok na ito ng Pinoy Pride.

Nagawa pang makatayo ng Armenian boxer, subalit muling binakbakan ni Donaire kaya itinigil na ng referee ang laban.

Panalo si Donaire via technical knockout (TKO), 32 wins -2 losses, 21 KO na ang record ni “The Filipino Flash”.

Matapos magwagi, sinabi ng boksingero sa HBO Boxing, “I put my heart in it and I said that I will never, ever quit.”

Dito napatunayan ni  Donaire na hindi “lucky punch” ang naitalang panalo kay Darchinyan noong July 2007.

Maaalala na bago pa ang nasabing laban, inihayag pa ni Donaire na iniaalay niya ang laban sa mga kababayan na silananta ng bagyong Yolanda sa bansa.

“Dedicating my fight to uplift the Filipinos’ spirits,” pahayag ni Donaire. “Our indomitable spirit has been recognized worldwide. Keep faith, He will not abandon us in our time of need. Continued prayers for the earthquake and typhoon victims.”

Sinabi naman nito sa Top Rank Boxing na sunod niyang target ang rematch kay Guillermo Rigondeaux.

Samantala, bago pa ang salpukang Donaire-Darchinyan, nanalo rin si WBO Junior middleweight champ si Demetrius Andrade kontra naman kay Vanes Martirosyan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.