Donaire, Pinatumba si Arce sa Round 3

HINDI NAGAWANG maagaw ng Mehikanong si Jorge Arce ang titulo Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr, matapos na magwagi sa laban ang Pinoy.

Sa sunud-sunod na kumbinasyon ni Donaire, pinatumba nito ang kalaban sa pamamagitan ng technical knockout (TKO), 20 segundo bago magtapos ang round 3.

Sa umpisa pa lang ng bakbakan, naging agresibo na si Donaire sa pag-asinta kay Arce. Round 2 pa lang, muntikan nang mapabagsak ni Donaire si Arce.

Dahil sa panalo, hawak pa rin ngayon ni Donaire ang WBO at IBF super bantamweight title.

Matapos ang laban, sinabi naman ni Arce na handa na siyang magretiro sa boxing alinsunod sa hiling ng kanyang mga anak.

Ie-enjoy naman ni Donaire Kapaskuhan, kung kaya’t nais muna niyang magpahinga matapos ang laban.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.