Donaire, pinataob si Mathebula

TAGUMPAY NA nadepensahan ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang kanyang World Boxing Organization (WBO) super bantamweight crown laban kay South African boxer na si Jeffrey “The Marvelous Mongoose” Mathebula via unanimous decision sa score na 117-110, 118-109, at 119-108.

Dahil dito, sabay ring nasungkit ng Pinoy boxer ang International Boxing Federation (IBF) super bantamweight title mula kay Mathebula sa tinaguriang “unification bout”.

Bagama’t malaki ang lamang ng taas ng kalabang boksingero, hindi nagpatinag si Donaire sa pagpapakawala ng malalakas na left jab at left hook.

Naging agresibo ang Pinoy champ sa unang apat na round, upang asintahin ang katawan ng 33-anyos na kalaban.

Pinakatampok sa nasabing labanan ang pagpapabagsak ni Donaire kay Mathebula sa 4th round sa pamamagitan ng malakas na left jab.

Halatang hilo na si Mathebula at nagpaikut-ikot sa ring upang maiwasan ang agresibong kalaban.

Nagpakita naman ng lakas ang boksingero nang matamaan nito sa mukha si Donaire sa 10th round.

Agad na bumawi si Donaire sa 11th round at napaputok ang labi ng kalaban.

Naging mainit ang pagnanais ng Pinoy champ na muling mapabagsak ang kalaban sa huling tatlong minuto ng laban. Muntik pa niya sanang magawa ito ngunit muling saved by the bell si Mathebula.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.