Dominic Roque, usap-usapan ang pagpapakita ng puwet sa “Seklusyon”

Dominic Roque

Dominic Roque

Pantasya ng kababaihan si Dominic Roque. Mas lalo siyang ilusyon ng bekis, lalo pa’t ang binata, “machomg-macho” sa kanyang pangangatawan.

Isa si Dom sa pinaka-sexy hunks natin sa kasalukuyan. Hindi siya magpaiiwan sa mga tipo ni Piolo Pascual o ni EJ Falcon kung katawan rin lang naman ang pag-uusapan.

Pero si Dominic, may edge na dahil iba ang paandar niya sa 2016 Metro Manila Film Festival entry ng Reality Entertainment na horror movie na “Seklusyon”.

Yes, tatahi-tahimik lang si Dominic, pero pang gulpe-de-gulat ang “butt exposure” ng hunk sa pelikula.

Sa apat na lalaking bida sa pelikula ni Direk Erik Matti na kinabinbilangan nina Ronnie Alonte, JR Versales, at John Vic de Guzman, iba ang pasiklab ni Dominic sa pelikula, kung saan isang deacon siya (kasama ng tatlo) na sa huling yugto ng kanilang pagpa-pari, marami silang mararanasan na susubok sa kanilang pananampalataya. 

Kaloka ang film poster na mala-Sto. Niño ang peg na lumuluha ng dugo na tuwing gabi ay nabubuhay (based sa trailer na napanood ko at sa pagkaiintindi ko).

Horror ang peg ng pelikula na as the only horror film entry sa 2016 MMFF 2016 (na dahil walang “Shake, “Rattle, and Roll” entry ang Regal Films ni Mother Lily), maka-capture ng “Seklusyon” ang market ng “SRR”.

Sa usaping sexy, usap-usapan sa gay chatrooms at nagiging viral na ngayon sa social media ang pagpapakita ng puwet ni Dominic for the first time.

Aminin natin, si Dom ang isa sa mga lalaking artista natin sa showbiz na super sexy na ang torso pa lang, ulam na. What more na makikita mo ang magandang umbok ng puwet niya? E, ‘di may dessert ka pa.

“I just hope na maaprubahan ng MTRCB ang eksena. May dalawang version kasi. ‘Yong international version, okey lang ‘yong ganu’ng butt exposure. Pero rito sa atin, it will depend sa MTRCB,” kuwento ng binata.

Pero ayaw ni Dom na ma-focus ang publicity spin ng pelikula nila sa butt exposure lang.

“Maganda naman kasi ang movie. Nang i-offer sa akin ang role at nalaman ko na si Direk Erik ang director, ok na ako. Hindi ko na pinagdudahan kung ano man ang gagawin ko sa movie,” aniya.

Last weekend, dumalo si Dominic sa World Premier ng pelikula sa Macau.

“Nang malaman ko na may ganu’ng eksena, okey lang. Hindi isyu sa akin. Eksena lang ‘yun na kailangan talaga sa movie,” sabi ni Dominic.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.