Dominic Roque, mas nanaising magtiyaga kaysa pumatol sa indecent proposals

Dominic Roque

Dominic Roque

Guwapo naman talaga at macho itong fresh looking na si Dominic Roque.

Sa totoo lang, ang daming beki talaga ang umaali-aligid sa binata (mapa-showbiz man or outside of showbiz).

Sa katunayan, ang komedyanteng si Vice Ganda ay minsan na ring natsismis kay Dom na ewan ko kung may katotohanan, at kung nag-prosper ang panliligaw” ng Unkabogable Star sa binata.

Pero may ilang beki na para mapansin sila ng baguhang aktor ay siyempre, hindi maiiwasan na magpapasiklab kay Dominic Roque.

Nand’yan na akala nila ay makukuha nila ang atensyon ni Dom sa mga paandar nila na ino-operan siya ng mga ito ng house and lot o ‘di kaya’y bagong kotse na sa simula pa lang ay tinatabla na ng binata ang mga paandar ng mga ito sa kanya.

Ayon sa kuwento niya, “May mga iba riyan na gagamit ng bridge or bugaw para magparating ng kanilang interest.”

“Hindi naman ako ganu’n. Nagtitiyaga ako. Magtitiyaga ako. When I started sa showbiz, sumasakay ako sa MRT, sa mga public transpo, para makarating sa trabaho,” sabi ni Dom sa panayam namin during the press preview of the movie na “Tatay Kong Sexy”, kung saan he plays the role of the son of a rich Chinese couple na nakabuntis kay Empress Schuck na anak naman ni Sen. Jinggoy Estrada sa kuwento.

Kuwentong pamilya ang pelikulang “Tatay Kong Sexy” na bida nga si Sen. Jinggoy at si Maja Salvador. Actually, hindi ito pelikulang madrama na sa totoo lang ay pelikulang komedya na ang sitwasyon ng mga buhay ng mga karakter sa pelikula ay pandagdag-sahog para matawa or mapatawa ka.

Unang pelikula pala ni Dom itong obra ni Direk Joey Javier Reyes kaya medyo payat pa siya sa pelikulang natapos niya almost two years ago noong laya pa si Sen. Jinggoy.

Ngayon, si Dominic, machong-macho. Hunk na hunk at yum-yum na lalong magkaiinteres ang mga beki (at siyempre pati ang girls) sa kaseksihan ng binata.

Ngayong araw na ang simula ng palabas ng pelikula ni Dom. Sa totoo lang, aliw kami sa pelikua. Napangingiti at napatatawa kami ni Direk Joey. Watch na!

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.