Dominic Roque, babae ang dahilan ng 3-linggong bakasyon sa New York

Dominic Roque

Dominic Roque

Loveless ngayon ang guwapong si Dominic Roque. Ang non-showbiz girlfriend ay nakilala niya noong nag-uumpisa pa lang siya sa showiz noon, pero recently lang sila nagkahiwalay.

Kaya nga sa pagbakasyon niya sa New York kamakailan, ang akala ng mga malalapit niyang mga kaibigan ay dahil sa “hiwalayan” blues nila ng nobya. Pero pinabulaanan ni Dom na ang girl ang dahilan ng bakasyon niya.

Ang totoo, girl naman talaga ang reason kung bakit tumakas siya saglit sa mga showbiz commitments niya at pumunta sa New York.

Gusto ng binata na mawala saglit sa showbiz nang isang buwan, pero hindi siya pinayagan ng management company na nagha-handle sa kanya at three weeks lang puwedeng tumakas at mabakasyon si Dom from his commitments sa showbiz.

Yes, ang girl na tinutukoy ng binata ay ang “Ate Beth” niya (aka Beth Tamayo na dating artista) na auntie niya na nakababatang kapatid ng ama ni Dom na sa Big Apple na naka-base.

“Ang plan ko ay i-surprise ko siya sa New York kaya less ang photo posting ko sa Instagram bago ako dumating sa New York.

“I enjoyed my trip. It was my first time to visit New York. Sayang nga e, bitin. If I could only extend my stay, daming mga kababayan natin ang nakilala ko and told me to stay longer. Ang saya. I’ve visited places na dati nakikita ko lang sa movies at photos,” pagkukuwento pa ng binata.

Kaya napaaga ang uwi niya from his vacation dahil kailangan ni Dom na makatulong sa promo ng movie na “Tatay Kong Sexy” na bida sina Sen. Jinggoy Estrada at Maja Salvador. Sa New York lang siya nagpunta. Hindi na naikot ang major cities ng Amerika dahil sa kakulangan sa oras.

Ang pelikula, kung saan si Dom plays the role of the boyfriend of Empress Schuck, ay matagal nang natapos ang kabuunan bago pa man nakulong si Sen. Jinggoy.

“Actually first movie ito ni Dom,” pagkukuwennto ni Mac sa amin, ang road manager ng binata.

For this year, may magandang project na nakaabang sa binata. Isang malaking proyekto na pamamahalaan ni Direk Erik Matti na siyang direktor ni John Lloyd Cruz sa pelikulang “Honor Thy Father” at “On The Job” na pelikula naman ni Gerald Anderson at Piolo Pascual.

‘Pag nagkataon, tila magkakabunga na ang pagtitiyaga ni Dominic.

At kamusta ang kanyang lovelife after ng three weeks vacation niya? Napatawa na Iang binata.

“Basta, work nang work na lang mula,” sabi niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.