Dominic Roco & Heart Evangelista: I’ll Take Care Of You!

Heart-Evangelista-Dominic-RocoDOMINIC ROCO

Full Name: Dominic Roco

Birthday: April 12, 1989

Zodiac Sign: Aries

Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Basic Trait: I Am

Closest Metal: Iron

Lucky Day: Tuesday

 

HEART EVANGELISTA

Real Name: Love Marie Payawal Ongpauco

Birthdate: February 14, 1985

Zodiac Sign: Aquarius

Symbol: The Water Bearer

Ruling Planet: Uranus

Quality: Fixed

Element: Air

Basic Trait: I Know

Closest Metal: Aluminum and Uranium

Lucky Day: Saturday

BAGO SA panlasa ng GMA Afternoon Prime viewers ang pagtatambal nina Dominic Roco at Heart Evangelista sa Magkano Ba Ang Pag-Ibig. Isang espesyal na istorya rin ang umiikot sa papel na kanilang ginagampanan. Hindi ito ang usual na pa-tweetums o mapang-akit na pares. There’s more to the tandem, ‘ika nga.
First time nagsama nina Dominic at Heart sa isang proyekto at may mga nagsasabing bagay rin sila at may labas sa Sid-Heart loveteam. Alam natin na in love si Ateh Heart kay Senator Chiz, pero hindi naman siguro masama mag-isip ng ‘what ifs’ kina Dominic at Heart, right? Kung sakali kaya ay may chemistry ang dalawa para sa bonggang relationship?

In fairness, achieve na achieve ang degree of compatibility ng Aries at Aquarius. Pareho silang independent at talagang binibigyan nila ng importansya ang kanilang kalayaan. Para sa dalawang zodiac, mareresolba nila ang problemang kinahaharap sa pamamagitan ng dynamic approach. Ang maganda sa pagsasamang ito ay nirerespeto nila ang uniqueness at individuality ng isa’t isa. Importante para sa kanila na mai-express nila ang kanilang personal creativity.

Palaging susuportahan ng Aquarius ang lahat ng proyektong gagawin ni Aries. Bukas naman sa mga komento at suhestyon ang Aries at madalas na sinusunod nito ang mga ideya na ibabahagi ng Aquarius. May mga pagkakataong maiimbyerna ang Ram sa bigla-biglang pagde-desisyon ng Aquarian, pero hindi naman talaga ito big deal. Dahil parehong energetic, siguradong walang boring moments na magaganap. In short, itzamatch!

Sa relasyon ng Aries na lalaki at Aquarius na babae, given na ang babae ang ‘manager’ ng kanilang pagsasama. Ito ay dahil sa mas malawak ang pang-uunawa nito at kaya nitong mag-adjust kung sakaling mag-alburuto bigla ang lalaki. Pagdating naman sa romansahan ay hindi magpapahuli ang Aries sa pagpapainit nito sa buhay man o sa kama, kering-keri nila ang ever lasting relationship! O, ha!
There you go, ladies and gentlemen! If all else fails with your current relationship, you know your other option! Hek-hek-hek!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

One thought on “Dominic Roco & Heart Evangelista: I’ll Take Care Of You!

  1. Pingback: Dominic Roco & Heart Evangelista: I’ll Take Care Of You! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.