Dominic Roco and Jackie Rice: Swimming Through the Ocean of Love!

JACKIE RICE

Real Name: Jackie

Sobreo Rice

Birth Date: April 27, 1990

Zodiac Sign: Taurus

Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday

DOMINIC ROCO

Real Name:

Dominic Roco

Birth Date: April 12, 1989

Zodiac Sign: Aries

Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Basic Trait: I Am

Closest Metal: Iron

Lucky Day: Tuesday

 

MARAMING KAPUSO VIEWERS ngayon ang nakatutok sa sexy-drama series na Sisid tuwing hapon. Bida rito ang Starstruck III Ultimate Female Survivor na si Jackie Rice. Ito bale ang unang solo project as a lead actress ng dalaga, na matagal-tagal ding na-postpone. Kinailangang matuto muna ni Jackie kung papaano lumangoy at sumisid para maging kumbinsido ang pagganap niya bilang isang pearl diver.

Kung ang mga kalahi ni Adan ay solb na solb na sa alindong ni Jackie Rice, marami rin namang badet at girlaloo na nabibighani sa manly appeal ni Dominic Roco. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsama sina Jackie at Dominic sa isang proyekto at in fairness, mukhang patok sila sa masa! Nag-trend lang naman sa Twitter ang kanilang first episode. Ibig sabihin ay tinutukan ng madla ang nasabing teleserye.

Hindi pa man nagtatagal ng isang buwan sa ere ang Sisid ay marami na ang nag-aabang sa mga drama and love scenes nina Dominic at Jackie. Sa totoong buhay kaya ay makasisid sila sa dagat ng pagmamahal, o baka naman malulunod lamang sila rito?

Laging nagmamadali sa samu’t sa-ring bagay ang isang Aries, samantalang mas nanaisin ng isang Taurus na dahan-dahan lang at huwag padalus-dalos sa mga desisyon lalo na pagdating sa usaping puso. Madali ring mainlab ang lalaking Aries, na maaaring ika-turn off ng isang babaeng Taurus na mas gustong kilalanin muna ang isang tao bago niya ito sagutin. Maaaring maging sanhi ito ng hindi pagkakaunawaan sa dalawang zodiac. Kailangang matutong magpakumbaba ang isa sa kanila kung gusto nilang maayos ang gusot sa pagitan nila.

Kung magawang balansehin ng dalawa ang kanilang pagkakaiba, may tsansa naman na mag-work ang kanilang relasyon. Maaaring kontrolin ng Taurus ang pagiging impulsive ng Aries, pero hindi rin maiiwasan na maasar ito sa pagiging seryoso ng isa. Masyadong attached sa past ang Aries, habang ang Taurus ay mas concerned sa future.

Naku, mukhang hindi magi-ging madali ang pag-iibigang ito, ah! Parang makakaharap din nina Dominic at Jackie ang problema ng kanilang love story sa Sisid. Pagda-ting naman sa romansa sa kama ay swak na swak ang dalawang ito. Sa katunayan nga, dito magugustuhan ng Aries ang pagiging dominatrix ng Taurus. Papayag itong maging alipin ng aliw, hahaha! Dapat ay mag-usap na ang dalawa bago pa man nila pasukin ang isang seryosong relasyon. Kailangan nilang tanggapin ang kani-kanilang pagkakaiba at intindihin nila ang isa’t isa. Sa ganitong pamamaraan, magtutuluy-tuloy ang kanilang pagsisid sa ligaya. Me ganu’n?! Wet kung wet! Charot!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

2 thoughts on “Dominic Roco and Jackie Rice: Swimming Through the Ocean of Love!

  1. angganda ganda ng sisid sobra ang pogi ni dominic roco
    at ang gada bi bela padilla at c jackie rice
    sobrang ganda ng sisid sana wag ng matapos grabe ang ganda talaga ng sisid

Leave a Reply

Your email address will not be published.