DOMINGUEZ, KUSANG SUMUKO Pagpatay kina Lozano at Evangelista, itinanggi

CALUMPIT, BULACAN – MARIING pinabulaanan ng magkapatid na Dominguez ang akusasyon ng Philippine National Police na may kinalaman sila sa karumal-dumal na pamamaslang kina Venson Evangelista at Emerson Lozano at Hernani Sencil, na kapwa natagpuang sunog ang katawan at may tama ng bala ng baril sa sentido sa mga lalawigan ng Nueva Ecija,Tarlac at Pampanga.

Ayon sa abogado ng magkapatid na si Atty. Raymund Palad, mananatiling inosente ang kanyang mga kliyente sa pagpatay sa  dalawang negosyante ng kotse hanggang wala pang isinasampang kaso laban sa kanila.

Taliwas naman sa mga nauna nang balita sa television na sila ay nasakote, aniya, boluntaryong sumuko si Reymond upang maiwasan ang pagdanak ng dugo kay Officer-In-Charge P/SSupt. Wendy Rosario, PNP Provincial Director, kagabi sa Camp Gen. Alejo Santos.

Matatandaang sinalakay ang safehouse nina Roger at Raymond sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Branch 31 Guimba RTC Judge Ismael Casabar, na may cc. no 01-2011 at 02-2011 ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Unit-3 PNP Special Task Force Group at Crime Laboratory-3, kamakalawa ng hapon sa Apartment Unit ng mga ito sa Greenville Subd., Brgy. San Jose, San Fernando City, Pampanga.

Sa report ni P/SSupt. Rudy Gamido Lacadin ng CIDU-3, at ng Crime Laboratory, nakuha sa lugar ang isang 9mm pistol, isang caliber .45 at caliber .40 at mga bala, dalawang handheld radio, at 22 piraso ng iba’t ibang uri ng plaka ng sasakyan, chassis number, at mahahalagang gamit.

Dahil dito nangangamba naman ang mga magulang ng magkapatid na Dominguez sa ginawang pagsuko ni Raymond. Sa kasalukuyan, bantay sarado ng mga media ang main gate ng PNP Provincial Headquarters, kung saan pansamantalang nasa kostudiya ng PNP ang batang Dominguez. Samantala, inaasahan namang susunod na susuko ang nakatatandang kapatid nito na si Roger, ayon sa abogado ng pamilya Dominguez.   (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.