Dolphy, patay na ginagamit pa sa kampanya!

KUNG HINDI kami nagkakamali, this week nagpaplano ang pamilya ng namayapang King of Comedy na si Dolphy laban sa kampo ng kaibigan nitong si incumbent Manila Mayor Alfredo Lim.

Oo nga’t magkaibigan ang dalawa (Mang Dolphy at Mayor Lim); gamit pa rin sa pa-ngangampanya ang voice tape endorsement ng Hari ng Komedya ng kampo ni Lim at palagi itong pini-play sa isang AM Station, gayong ang voice endorsement na ‘yun was made noong nakaraang eleksyon pa at buhay pa si Mang Dolphy.

From an insider, napag-alaman namin na masama ang loob ng pamilya Qiuzon sa ginagawang pangangalakal ng kampo ni Mayor Lim sa naturang voice tape endorsement sa kanya, gayong dapat man lang sana ay mag-paalam ito sa pamilyang iniwanan ng Hari ng Komedya por respeto.

Sa ganang amin, out of respect, hindi na sana ginagamit ng kampo ni Lim ang naturang recorder propaganda na inindendoro siya ng kaibigan niyang si Mang Dolphy gayong namayapa na ito.

Sabi nga isang kakilala namin, huwag na raw gamitin ni Lim at ikalakal ang “friendship” nila ni Dolphy gayong gamit na gamit na ito sa simula pa lang ng kampanya last election.

Linawin ko lang. Taga-Quezon City ako at walang tangkang tumira sa Manila, kaya don’t get the impression na maka-Erap kami kaya sinusulat namin ito para bakbakin si Mayor Lim.

But between Erap at Lim, doon na kami kay Dirty Harry, kaysa sa isang lumang pulitiko na ayaw pang mamahinga sa pulitika at i-enjoy na lang kanyang retirement with his apos.

 

BONGGA ANG mga sexy hunks natin ngayon at they don’t have any qualms of doing naked sa kanilang mga eksena sa pelikula.

With the trend na halos tanggap na ng mainstream moviegoers ang tema ng indie films (‘yong legitimate at hindi nagkukunwaring legit); mas aggressive at radical ang legitimate stars natin sa kasalukuyan na nagtatangkang pasukin ang indie film industry.

Si Jake Cuenca, may frontal nudity sa bagong pelikula niya with Joem Bascon (may love scene din sila) under Joel Lamangan that deals about gay relationship within the Communist Party of The Philippines-New People’s Army (na isang mala-king issue na pinag-uusapan at tinatalakay pa rin magpasa-hanggang ngayon sa loob ng partido).

Ang disenteng singer-turned-actor na si Markki Stroem ay naghubad na rin sa kanyang pelikula na pang Cinemalaya sa darating na Hulyo under the direksyon of our friend Cesar Evangelista.

The rest of the callboys from those cheap gaybars na nagiging instant “indie film stars” sa pangarap na maging legit, well, forget it!

 

BUKAS, APRIL 16, birthday ng goodfriend namin na si Jobert Sucaldito.

Marami na kaming pinagdaanan ni “Jobertita”. From our life in Iloilo to Tomas Morato (wala pa ang mga malalaking resto na ‘yan at madilim pa ang kalye sa area ng ngayon ay nakatayo ang Imperial Palace at Rembrandt Hotel to Tanauan, Batangas) we’ve gone a long long way.

Thanks for the friendship kahit hindi tayo regular na nagkikita, I wish you good health and well.

Tomorrow, may pa-birthday concert si Jobert sa Zirkoh-Morato featuring his talents like Prima Diva Billy and Michael Pangilinan (na ila-launch ang album ng baguhang singer).

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

13 thoughts on “Dolphy, patay na ginagamit pa sa kampanya!

  1. sana nga maging matalino nman ang mga taga manila sa pag boto. kung mananalo si erap at isko parehong sugarol, sa solaire na ang cityhall nila hahahha hindi na sa manila city hall. ang law ng pilipinas nakaktawa. guilty ng plunder pwede pa din tumakbo, kht sbhin na natin na pardon sya. ano ba ang plunder dba pag nanakaw.

  2. AY AGREE AKO SA YO, ROEL. MAS GUSTO KO SI MAYOR LIM. KASI, SYA YUNG TIPONG BORN TO SERVE. IMAGINE, JUSME, PANAHON PA NI LUCILA LALU, ANG ORIGINAL CHOP CHOP LADY NOONG 60S, SI LIM NA ANG ACTIVE SA PAG-SOLVE NG GRUESOME MURDER BILANG HEAD NG MANILA PD. SYEMPRE, MINSAN, DI KO RIN LIKE ANG PAGKA-MILITAR NA STYLE NG LEADERSHIP NYA BUT OVERALL, SYA YUNG TIPONG HINDI NAGPAPAHINGA AT PALAGING ON THE GO, HUSTLING AND BUSTLING ON THE STREETS OF MANILA. MATIKAS PA RIN AT LISTO KUNG KUMILOS DESPITE HIS AGE HA. SI ERAP NAMAN, WELL, TAMA KA, DAPAT MAMAHINGA NA LANG AT I-ENJOY ANG MGA APO. I COULD BE WRONG BUT I THINK ANG PERSONAL GOAL LANG NI ERAP IS TO VINDICATE HIMSELF KASI WASAK NA WASAK ANG REPUTATION NYA AFTER HE GOT CONVICTED. PARANG GUSTO NYANG PATUNAYAN NA MAY HATAK PA RIN SYA AT MARAMI PA RING NAGMAMAHAL SA KANYA DESPITE THE SHAME. PERO NAMAN, HE’S SLOWED DOWN QUITE A BIT IN TERMS OF AGILITY. DEVAH?

    • Ako rin Lim ako. Itong c erap ubod  ng suwapang, pinaghaharian na nila ang San Juan, una cya, ng matapos ng term, pinatakbo ang anak, tapos isang anak pa. Tapos pati kabit pinatakbo rin. Ayaw nila bitawan ang San Juan. Tapos ngayon pati Maynila gusto pa din kunin. Pag natapos term nyan, pustahan mga anak o apo, o kaya kabit na nmn ang mamumuno. Sobrang garapal ha.

      • At c Mayor Lim, lam mo tlga nagtatrabaho. And I know sincere cya maglingkod sa bayan. Eh ang mga Ejercito, yumaman ng husto sa pangungukakot. Sabi nga ng butihing governor ng Laguna, mayaman ang angkan ng mga Ejercito. The nerve sa angkan na ito. Mga duhapang sa puwesto. D pa tapos ang term ng isang ejercito sa senado, ayan meron pang gustong pumasok na isang Ejercito.

      • si lim rin nagtatayo ng dynasty, hindi lang talaga manalo nalo ang mga anak nya. Yung pamangkin nya nanalo, si Nino dela Cruz, mga kamag anak din ang nakaupo sa city hall, philomela arias (pamangkin sa pinsan) , city civil registrar, rodolfo catu ( pamangkin sa kapatid), department head ( city planning), Col. Siojo (pinsan) consultant ( may sweldo), manolo lim ( kapatid) gurang na kaya walang pwesto, fixer lang sa department of assesment. Alam nyo ba yan?

      • oh eh di mas lalong mabuti kung si LIM ang manalo, kasi hindi naman pala nananalo ang anak niya eh hakhakhak! unlike itong tropa ni ASIONG na duhapang sa posisyon, napatalsik na’t lahat naninikit pa rin sa pulitika, dami kasing pianlalamong kabit at mga anak sa labas! PWEH! pag nanalo pa yang si erap, eh ubod na talaga ng BOBO ng mga botante

      • OO NGA NAMAN. STRICTLY SPEAKING, ANG POLITICAL DYNASTY EH YUNG MAGKAKAMAG-ANAK NA NASA MALALAKING PWESTO. KASI SILA YUNG MAY TENDENCY NA HUMARBATG NG KABAN NG NASASAKUPAN NILA. YUNG MGA CIVIL REGISTRAR, CONSULTANT, DEPARTMENT HEAD, AT MGA MALALAYONG KAMAG-ANAK LANG, FORGIVABLE NA YON, KASI BASTA LEGAL NAMAN SILANG IPINASOK AT WALANG ANOMALYA. PLUS, KUNG QUALIFIED BA, BAKIT HINDI. 

      • HAHAHA. NATAWA AKO DUN SA PATI KABIT, PINATAKBO RIN. TAMA KA NAMAN. SI GUIA GOMEZ ANG INCUMBENT MAYOR NG SJ. KAYA SIGURO KAHIT ANONG PRESS RELEASE NG 2 PAMILYA NA THEY’RE CIVIL TO EACH OTHER AT MAGKASUNDO, FEELING KO HINDI PA RIN KASI NGA, ORIG FAMILY SINA DRA. LOI AT JINGGOY AT OTHER FAMILY LANG SINA GUIA AT JV EJERCITO. OH WELL, BASTA NAGSI-SERVE SILA NANG MAAYOS, GORA LANG! BASTA WAG MANGURAKOT, OKAY?

Leave a Reply

Your email address will not be published.