Dolphy, mayroong malubhang sakit?!

OLA CHIKKA! UNANG linggo pa lamang ng taong 2011 ay mayroon nang hindi magandang balitang nasagap ang aking reliable source, na isa sa ating mga parazzi girls, na karelasyon ngayon ng isa sa mga apo ng ating Comedy King na si Dolphy. Dahil sa hindi mapigi-lang nararamdaman ay naibahagi niya ang isang malungkot na bagay sa ating parazzi girl. Sa isang family reunion daw na ginanap noong huling linggo ng taong 2010, inihayag na raw ng Comedy King ang kanyang pamamaalam sa kanyang mga mahal sa buhay na naroon. Iyakan at lungkot ang naramdaman nang sabihin niyang may taning na ang kanyang buhay sa sakit na cancer.

Ito po ay napakasensitibong usapin at inuulit ko po na ang impormasyong ito ay mula mismo sa karelasyon ng apo ni Dolphy, kaya’t hindi biro ang balitang ito. Kahit ako ay nalungkot nang marinig ko ang kuwento at hindi makapaniwala dahil kamakailan lamang ay nabasa ko sa isang dyaryo ang hula na nitong 2011 ay mas lalakas pa raw ang Comedy King.

Sana nga ay maging totoo ang hula sa dyaryo at kung may katotohanan man o wala ang balitang ibinahagi ng ating parazzi girl, sana ipanalangin na lamang natin ang kalusugan ng ating Comedy King na bumuti at maging mas maayos upang makasama pa niya ang kanyang mga mahal sa buhay at maipagpatuloy ang kanyang trabaho. Lalo na’t siya ang tinanghal na Best Actor (Father Jejemon) at Best Supporting Actor (Rosario) ng 2010 Metro Manila Film Festival na ibig sabihin, hanggang ngayon ay wala pa ring makatatalo o kahit makapantay man lang sa mga napagdaanan ni Dolphy sa larangan ng pagpapatawa.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong gay comedianne na donyang-donya ang dating dahil sa rami ng projects at mga business na pinagkaka-raketan niya? Imagine, may mga TV shows na, may mga bars pa! Oh, sinong mag-iisip na walang pera itong komedyanteng ito, ‘di ba?

Hindi rin sumagi sa isip ng aking parazzi girl na ang isang sikat na komedyante ay walang pera dahil noong Lunes ng gabi,  naispatan niya ang komedyanteng ito na nagsasaya kasama ang mga friends sa isang bar sa Timog. Nagulat na lamang ang aking parazzi girl nang lapitan ang kanyang male friend ni komedyanteng full of confidence. Ipinakilala ni male friend kay komedyante itong ating parazzi girl na may magulang na kilala rin sa mundo ng showbiz.

Dahil sa nagtatrabaho sa iisang industriya ay hiniritan ni parazzi girl si komedyante ng Pamasko at nagulat na lamang ang ating sa source sa sagot sa kanya na, “Sa susunod na lang, wala kong pera ngayon, eh”. Ang taray, ‘di ba?! Sino ba naman ang maniniwala sa kanya?

At ang mas nakakatawa pa roon ay nang i-take home niya si male friend. Oh, ano’ng say n’yo? Don’t tell me for free lang ang pagka-getching niya sa guwapong papang iyon?

Sino itong kuripot na sikat na gay comedianne na pagdating sa lalaki ay willing magwaldas ng sangkatutak na salapi makapag-take home lang? Hmmmm… siguro nga ay may K itong si male friend kaya natipuhan siya! Sa tingin n’yo?

Wag n’yonng sabihing hindi n’yo pa rin gets, ha?!

Kung ganu’n ay pakisubaybayan na lamang po sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 AM to 12:NN upang makigulo at maging una sa mga chikka. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

13 thoughts on “Dolphy, mayroong malubhang sakit?!

  1. naku wawa naman si dolphy,,
    my say lng ako sa nagkalat ng txt na e boycott ang movie ni dolphy.i guess ganun ka selos,,,un taong yun hahha cguro galit na galit kay dolphy kasi d na mkuha si Zyahzyahhh hahah,,,,,
    mga tao talaga ang kitid ng utakk,,,kaya nga comedy,,,, para un lng uber ang reaction ng mga katoliko,samantalang my mga scandal sa sangkot ang mga pari..,bat d nila pag tuonan ng pansin yun,,,kaloka!!!!

  2. “gay comedianne”? ano ito baklang babae? kung hindi nya personal na kilala si parazzi girl mo, bakit nya bibigyan? kapal naman.

    • Agree ako sa yo, masakit lang talaga yong pagdaanan ng pamilya natin kung may nagkasakit na kamag anak lalo na kung may taning na ang buhay, mahirap tingnan yon. Sana hindi mag suffer ng matagal.

  3. Wag naman sana mag rest in peace agad si Dolphy, rest from work na lang muna.
    Nakaka stress din ang trabaho kasi nila. Vacation nalang siguro, para makabawi bawi
    ng lakas. Malulungkot ang karamihan kung mawala na si Dolphy soon.

  4. halata na naman sa pangangatawan ni mang pidol na meron itong mabigat na karamdaman. sana nga mag rest na lang muna sya ng sa ganun eh hindi masyado matagtag ang kanyang katawan.

    BI: Allan K

Leave a Reply

Your email address will not be published.