Dolphy, lilipat na rin sa Siyete?! – Archie de Calma

MUKHANG HINDI NA matutuloy si Lovi Poe sa Panday Kids. Nakausap namin si Leo Dominguez, manager ng young actress, at sinabi nga nilang hindi nagkasundo sa klase ng role na dapat ay mapunta kay Lovi. Actually, marami nang tinatanggihan ang kampo ni Lovi dahil may iba silang mga plano.

Hinihintay na lang nila ang resulta ng pagpapalabas ng Sagrada Familia where Lovi gave a splendid performance. Baka nga naman mas maiba ang ihip ng hangin kung napanood na si Lovi doing more mature roles, lalo na sa pelikula.

Sa TV, okey na kay Lovi ‘yung exposures niya bilang isang singer at recording artist. Mas kilala naman siya sa parteng ito. Sa S.O.P. ay happy siya, lalo na’t bahagi na siya ng grupong Covergirls kung saan magkakasama ang young and talented actresses ng GMA-7, aside from Lovi, Heart Evangelista, Glaiza de Castro, Bianca King, at Carla Abellana.
ANG BOLD STUD na si Marco Morales ay “inaaswang” hanggang ngayon ng isang dating macho actor na natsitsmis na gay, at hanggang ngayon, hindi pa talaga hantad ang tunay nitang seksuwalidad. Wala namang problema kay Marco kung nakikipagkaibigan ito, pero ayon na rin sa mga kuwento ni Marco, halata ang pagkakaroon ng malisya ng pagbibigay ng sobrang atensiyon ng macho actor na ito sa nabanggit na bold stud.

Natatawa na lang si Marco dahil ang “style” ng macho actor ay bulok. Pero, bongga raw kung mag-send ito ng gifts noong una. Kaya lang, nang mahalata na ni Marco na iba ang intensiyon, tinatanggihan na niya ang mga regalo at alok nito.

Hindi pa rin nahihinto ang dagsa ng trabaho kay Marco sa ngayon. Ito ang pinagkakaabalahan niya kaysa mga bagay na puwedeng maglagay lang sa kanya sa alanganin. Ipalalabas na ang Halik sa Tubig, kung saan bongga ang role niya sa sex fantasy na ito na dinirek ni Bong Ramos. May nakatakda pa siyang gawin para rin sa nabanggit na direktor.

Uumpisahan na rin niya ang “Palabas ni Adonis” na ididirek ni Jay Altarejos. Kasabay nito ay ang tuluy-tuloy na workshops niya sa GMA-7 para lalo pa siyang mahasa for possible TV assignments.

HOW TRUE? NAKATAKDA na raw talagang pumirma sa GMA-7 si Dolphy. Kung hindi ito mapipigilan, aba, kapansin-pansin na pinababayaan na lang ng ABS-CBN ang mga malalaking artista nila na masungkit ng GMA. Una ay si Claudine Barretto, pangalawa ay ang institusyon nang si Dolphy.

Mahirap ngang mapaniwalaan ang report na natanggap namin. To think na malaki ang identification ni Dolphy sa Kapamilya network. Ang malaking teatro nito sa ABS compound ay ipinangalan pa sa King of Comedy. Bukod sa anuman ang mangyari, kahit nga hindi na masyadong nagtatrabaho ang komedyante para sa network ay naroroon palagi ang espesyal na partisipasyon nito sa ilang natatanging proyekto ng Dos.

Kung totoo man ito, nakapanghihinayang. O talaga lang gusto munang makaranas ng ibang klaseng working atmosphere ang King of Comedy. We’re very sure, walang personalan ito dahil nasa estado na ng komedyante ang mag-call ng shots o lumipat sa kung saan network na mas maganda ang offer sa kanya.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

11 thoughts on “Dolphy, lilipat na rin sa Siyete?! – Archie de Calma

  1. alam ko hindi daw sya lilipat sa ch. 7 ang alam ko sa ibang forums nakalagay eh sa ch.5 daw sya lilipat, if ever hindi po sa ch. 7…. yon lang po…..

  2. kailangan pb magwork c dolphy biro nyo nman 80yrs old n cy bakit kelangan p magwork dapat s bahay nlang cy mgpahinga at mag alaga ng mga apo, pabayaan n ny s mga bagong mukha ang dating pwesto ny.

    • lov nya kc ang work nya…at sabi nga ng lola ko
      lalo daw clng magka2sakit kung hindi ki2los at pi2rmi nlng sa bhy….maybe bcoz yan ang nagbi2gay sa knya ng energy. pbayaan na2tin sya kaligyhan nya nmn yan eh

  3. nagtratrabaho pa si Dolphy? Diosko, inaagnas na’t lahat, hataw pa rin? Magretiro na sya, laos na ang style nya ng comedy! Panahon pa ng hapon!

  4. It seems pag palaos na o laos na ang isang artista at
    wala nang masyadong projects sa ABS ay lumilipat sa
    GMA. I can’t blame ABS, dahil maraming mga new
    breed of young stars ang dumarating at ang mga viewers
    gusto mga bago at batang artista ang mapapanood.Let’s
    face it, hindi na panahon nina Dolphy o Susan Roces
    ngayon kaya even lumipat sila sa ibang station, sa mga
    viewers and fans it doesn’t matter. Today’s idol ay sina
    Kim Chiu, Gerald Anderson, Enchong Dee, Erich Gonzales
    Ejay Falcon, sila ang kinasasabikan nang mga fans at
    mga viewers. Let’s face it, tapos na rin ang panahon
    nina Claudine Barreto, even Judy Ann Santos patapos
    na rin ang panahon niya at me mga bagong papalit
    sa kanilang trono. Every decade, me mga lumalabas
    na new superstars.

  5. ngee…di ba nasa 80’s na ang edad ni dolphy? dapat hindi na work ang iniisip niya ngayon kundi ang magretiro na. uugod ugod ka na lolo dolphy. stay home na lang ikaw.

    • kaw nmn at least sya naiisip na pring na hanggang ngayon kpakipakinbang sya at d sya umaasa sa sahod kamay nlng sa ibi2gay ng mga anak nya..
      walang pinipiling edad ang trabaho hanggat kaya mo…
      ti2gil klng kung patay at hindi kana humihinga.
      he love 2 work bkit ntin pi2gilan kesa nmn sa gaya
      mo na puro pc ang inaatupag dba???

  6. paano pa mag-invest ang kapamilya k dolphy e ndi na sya masyado mkapagtrabaho? tapos ndi na rin sya masyado bankable at syempre me sahod din sya kahit wala trabaho sa station. do the math na lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.