Dolphy, hindi raw malala ang sakit

KUNG HINDI kami nagkakamali, tinawag na ng ABS-CBN ang atensiyon ni KC Concepcion sa naging pahapyaw nitong clue sa break-up nila ni Piolo Pascual almost a month ago. Being one of the network’s prized talents, tungkulin nga naman ng Dos na pangalagaan ang imahe ni Piolo from whatever KC would have to say albeit their personal relationship had officially nothing to do with their contractual status.

Last last Sunday, parang itinahi ang guesting ni Sharon Cuneta sa Paparazzi bilang pagwelkam sa kanyang nilipatang tahanan that was finely interwoven with KC’s revelations on The Buzz.

Ang naging commonality ng separate interviews sa mag-ina meandered on Piolo, his break-up with KC, his  “inadequacies” as a boyfriend, among others.

Pero kulang na lang tumbukin kung ano talaga ang dahilan ng paghihiwalay nina KC at Piolo, which in fairness ay hindi na idinetalye pa ng anak ni Sharon. All that she implied was that she chose to slug it out with Piolo, even giving him the 8th chance hoping na mapagbabago niya ito.

Kapos na lang siguro sa pag-intindi ang hindi nakasakay sa implikasyong ‘yon ni KC, sinusugan pa ng kanyang inang si Sharon who was privy to all this na idinaan na lang sa makahulugang halakhak ang abot ng kanyang nalalaman.

Bakla nga ba talaga si Piolo tulad ng gasgas nang tsismis? Ang kasarian nga ba ni Piolo ang tinutukoy ni KC bilang hadlang sa kakapusan nitong ibigay sa kanya ang kanyang mga pangangailangan? As reported, isa nga bang male personality sa bakuran ng Dos ang itinuturong third party sa kanilang hiwalayan?

Assuming na bakla nga si Piolo, this is not anybody’s lookout, not even KC’s. In love, gasgas na rin ang linyang  “I love you for who you are and for who you are not.” If at any point in their relationship ay natunugan na ni KC na “babae” rin pala ang kanyang karelasyon, she had a choice to either stay and suffer, or leave and seek another partner she so deserved.

Hindi na problema ni KC kung bakla man si Piolo, as this should concern Piolo himself more than anybody. As it is, mukhang hindi naman apektado si Piolo sa napakatagal nang usapin tungkol sa kanyang alleged kabaklaan.

In fact, Piolo is happy… and gay, and we mean masaya.

 

KUNG PANINIWALAAN lang natin ang kabi-kabilang kuwento tungkol sa kalagayan ngayon ni Dolphy, baka pilahan araw-araw ang St. Jude Church malapit sa Malacañang na siyang patron ng mga maysakit.

Sari-sari kasing mga pahatid-balita ang nakakarating sa amin, kesyo nitong mga huling araw raw ay nakaratay na sa kanyang kama si Tito Dolphy, hirap nang kumilos at magsalita, pero in fairness ay nakakakilala pa rin.

Taliwas ito sa nakalap na interview ng Startalk TX kay Epi Quizon, isa sa mga anak na sumusubaybay sa kundisyon ng ama, na sa katunayan, tumagal lang daw ng ilang linggo ang ace comedian sa ospital pero nasa bahay na raw ito. Masuwerteng hindi na nga sumailalim pa sa angioplasty ang 83 year-old comedian, na ikinatuwa ng mga anak nito sa pangunguna ng dating artistang si Sahlee.

Mismong ang personal assistant ni Zsa Zsa Padilla na si Chook (pronounced as “tsuk,” sana ay tama rin ang aming spelling) ang nagkumpirma na walang bahid katotohanan ang umano’y malala nang kalagayan ni Tito Dolphy.

“Common sense na lang, why is Zsa Zsa doing Budoy aside from her regular hosting stint in ASAP? That means walang problema sa family niya. Do you think she (Zsa Zsa) can afford to work if Tito Dolphy’s health condition has worsened?” depensa ni Chook.

Sa katunayan, bago pa nga raw mag-Pasko ay si Tito Dolphy pa nga ang aligaga sa pagpaplanong bumiyahe ang kanyang pamilya sa Hong Kong. “Of course, huwag din naman tayong mag-expect na ‘yung Dolphy na nakasanayan nating makita is still the energetic, bubbly Dolphy. He’s 83 years old, but it’s also unfair to say that he’s seriously ill,” sabay sumpa ni Chook na nitong mga huling araw lang ay nasa ta-hanan siya nina Dolphy at Zsa Zsa, seeing for himself that the Comedy King was, and is, in the pink of health.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

2 thoughts on “Dolphy, hindi raw malala ang sakit

  1. wow carrasco! hindi ata negatibo ang write up mo sa abs o sa isang talent ng abs ngayon? wow ha carrasco, dati rati, puro negatibo ang mga articles mo patungkol sa abs lalong lalo na sa mga talents nila pero ngayon ipinagtanggol mo si piolo? wow! ano yan, kasi kafederasyon mo sya o kasi alam mong mabait magbigay ng datung si piolo kaya kung mabasa man ang artikulo mong ito ng mga handlers ni piolo, padadalhan ka rin ni piolo ng datung? pag patuloy mo yan carrasco, wag yung mga negatibo laban lagi sa abs at lagi ang mga laos na mga kapuso talents ang positibo sayo. kudos sayo carrasco! hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.