Dolphy considers Vic Sotto and Willie Revillame as his successors

ISANG MARESPETONG HANDOG para sa nalalapit na kaarawan ng nag-iisang Hari ng Ko-medya na si Dolphy ang binubusisi ngayon ng TV5, via a special aptly titled Talentadong Pidol that airs this Sunday.

Hindi lang ‘yon basta tribute to a comedic icon who has spent more than a quarter of his life sa industriyang minahal niya and that has loved him back. It is a grand toast to Tito Dolphy’s unequalled contributions to the industry kung saan he has multiplied his success in others many times over.

Nakalulungkot nga lang daw isipin, ani Tito Dolphy, ang kanyang mga kapanabayan who have crossed the Great Divide, isa na rito si Nida Blanca, his quintessential partner particularly in the widely followed Ading Fernando-megged  sitcom John En Marsha on RPN 9 many years ago. Hindi man tuwirang binanggit ng Ace Comedian, nariyan pa ang mga nakasama niyang sina Panchito at Babalu.

Even if Tito Dolphy has a newfound home in TV5, nananatiling bantayog in his honor ang Dolphy Theatre sa bakuran ng ABS-CBN. After all, he had served the network well, such recognition is simply due him.

Probably Tito Dolphy’s unselfish contribution to local comedy is the inspiration that he continues to impart to his successors tulad nina Vic Sotto at Willie Revillame. Kapwa raw kasi malakas ang charisma nila sa masa, lalo sa kaso ni Willie who’s able to transcend his job sa pamamagitan ng pagtulong sa kanyang mga kababayan.

Of course, there can only be one Dolphy, isang alamat na kung nasa catalogue of subject cards ng National Library would fall under non-fiction. Totoong-totoo kasi, buhay na buhay, tagos hanggang buto ang existence ng nag-iisang Payaso ng Pagpapatawa.

 

OPTICAL MEDIA BOARD (OMB) Chairman Ronnie Ricketts is just taking from where his predecessor Edu Manzano had left off.

Very visible these days si RR in cracking down Manila-based establishments o mga puwesto partikular na sa Quiapo na patuloy pa ring nagbebenta ng mga pira-ted DVDs, matagumpay niyang naipasasara o pinaliligpit ang mga ito sa tulong ng mga law enforcement agencies kasabay ng pangu-ngumpiska ng kanilang mga kalakal.

Pero tila salat sa monitoring system ang OMB sa pamumuno ni RR, why concentrate on Manila gayong talamak din naman in other parts of Metro Manila ang pirated DVDs sale?

Without having to betray my place of origin, lantaran ang mga puwestong nagbibilad ng mga piniratang pelikula—both local and foreign—nakaaalpas ito sa istriktong panunuyod ng OMB sa kanilang target?

Wala namang iniwan ang piracy—both film and music—sa pagsakote ng mga nagpapalaganap ng droga. In parallelism, OMB is just pursuing the small-fry businessmen—like drug runners—pero ang mismong sindikatong nasa likod in replicating copies of the original materials—like drug pushers—go on with their business like never before.

After Edu’s OMB chairmanship, mukhang there’s hardly any change with the way Ronnie  Ricketts is discharging his functions, or is he?

 

ERIK SANTOS EARNS his well-deserved iconic status, putting him alongside other OPM greats. Tulad ng alam ng lahat, ang Star In A Million ang nagbukas ng pintuan ng oportunidad para sa kanya seven years ago.

As if fate willed it, Erik rose to become a multi-awarded performer, a best-selling recording artist and now an artist embarking on a cause that is hoped to nurture the lives of cancer patients.  For the benefit of the Bosom Buddies Cancer Foundation, Erik mounts his first solo concert titled Power Ikons on August 12 and 13 at the Music Museum.

Kasamang magtatanghal ni Erik ang Star Power grand champion Angeline Quinto, Miss Saigon-Germany lead theatre actress Stephanie Reese, the G-Force Dancers at si Pops Fernandez.

Power Ikons, a play on Erik’s name the way it’s spelled, is produced by Core Events, Record Breaker Events and presented by La Carmela de Boracay, directed by GB Sampedro.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

10 thoughts on “Dolphy considers Vic Sotto and Willie Revillame as his successors

  1. I love watching Wiltime Bigtime, and galing noong nanalo ng 1 million, wow!!!! swerte niya.
    Everday sa show daming mga panalo sa games, yoong mga crab mentality diyan, INGGIT lang kayo kay Willie, bakit kayo, puro panira, tingin ka sa salamin, at tanong kung may nagawa na kayong mabuti huh? dahil sa kabutihan niya, talagang sobrang biyaya ang tinatamasa niya. Mabuhay ka Willie.

  2. 3 of them are immorals, speaking of values at talents c Dolphy at Vic may similarities but ang pinaka walang modo at bastos at less talent ay c Willie. Kung sino pa ang galing sa hirap na buhay yan pa ay may pinaka na ugali ( not n general Im talking only kay Willy) sana he realize na baguhin ugali nya. He received a lot of blessings, but someday ang lahat na ito ay may directions hinahanda lang ito, God knows kung saan ang patutunguhan nya… na kung saan gagamitan nya lahat ng mayroon sya. Who knows !!!!!

  3. Mr. Writer… hindi magkalevel c Dolphy at Willie nor hindi maging successor ni Dolphy ang super bastos na yon. u r wrong Mr. Carrasco, mali judgement mo. Maybe Vic Sotto, ok pa. but not Mr. .B..A..S..T..O..SSSS!

  4. @Mercy, korek ka nga at kung mini mention ng writer na ito ang ibang mga politician, pulis, sundalo at ibang ordinaryong taong maraming anak sa ibat ibang mga babae, my stand is the same, sasabihin ko pa rin na pareho silang mga womanizers kasi wala akong respeto sa mga lalaking makati ang private parts at madaling maghuban ng pantalun lalo na kung may karelasyon pa or may asawa pa at ginawa yon, walang respeto yon sa mga babae.

  5. NAKU HA! HINDI KO FEEL SI WILLIE REVILLAME..HINDI SYA KALEVEL NI VIC SOTTO NOH AT WALANG BINATBAT AG WIL TIME CHUVA NYA SA EAT BULAGA NOH!

  6. ganon tlaga buti nga artista iyan tingnan mo iyong mga nasa politics dba maraming dalawa ang asawa?kung minsan pa nga tatlo gaya ng pulis sundalo baranggay tanod din hehehehehe maski pangkaraniwan dalawa mahigit din di lalo ang mga artista…kaya sana magpakatotoo na lang ang mga pinoy ndi iyong kung sino2 ang ituturo korekorekok ba?

  7. Sabagay lahat naman kayo mga womanizers, sorry, nagpakatotoo lang, hindi ba si Dolphy daming anak sa ibat ibang babae?, si Vic din at si Willie din. Pero mataas pa rin ang respeto ko kay Vic Sotto, I’m still his fan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.