Dolphy, balak kasuhan ang isang reporter – Julie Bonifacio

NAKORNER NAMIN SI Vandolph sa surprise birthday party ng kilalang cosmetic surgeon na si Dr. Manny Calayan sa Hard Rock Café last Wednesday. Na-headline kamakailan si Vandolph dahil sa panunutok daw niya ng baril pagkatapos bumaba sa kulay asul niya na kotse.

“Unang-una, wala ako’ng baril,  okey?  Wala ako’ng kotse na kulay blue. Lahat ng kotse ko puro black. ‘Yung araw na ‘yun, ‘yung sinasabi niya na 5 p.m. na nangyari nasa bahay kami nagba-barbecue kami dahil birthday ng new-born naming baby,” lahad ni Vandolph.

Two months old na ang baby ni Vandolph na si Vitto Vann and every month daw ay sine-celebrate nila ang birthday ng baby nila. Ang Tita Zsa Zsa Padilla ni Vandolph ang nakabasa sa dyaryo at sinabi sa daddy niya na si Dolphy.  Agad na tinawagan siya ni Dolphy upang alamin kung  involved nga siya sa tutukan ng baril.

Nagpaplano raw ngayon ang daddy niya na gumawa ng legal actions sa nagsulat at sa taong nagsabi diumano na tinutukan siya ng baril ni Vandolph. Naapektuhan daw kasi nang husto si Dolphy nu’ng mabasa ang balita dahil malaking picture niya ang nakalagay gayung hindi siya ang laman ng write-up at wala naman daw katotohanan ang sinasabing panunutok ni Vandolph ng baril.

“Siguro, nalalaman ninyong lahat na nagbago na ako in the sense na  may pamilyang tao na ako ngayon.  Kapapanganak lang ni misis (Jenny).  Kaya parang mas masarap ang house arrest. Sa bahay ka lang muna mag-alaga ng bata. Tapos may lalabas  ng ganyang tsismis. Sana huwag kayong maniniwala.  My dad was like, so hurt., ‘Ano ito?  Ano na naman ito?’ Kaya  I think my dad has decided to take some legal actions,” pahayag pa ni Vandolph.

NASA KOREA SI Angel Locsin kasama ang manager niyang si Becky Aguila  nu’ng lumabas ang balitang hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Luis Manzano. Nasa Korea si Angel para sa commercial shoot niya sa isa sa mga ine-endorse niyang product at hindi para sa last shoot para sa mga eksena niya sa teleserye nila na Only You which incidentally ay magtatapos na this week sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Bumalik ng Pilipinas si Angel last Wednesday and on Friday nakatakda naman siyang lumipad patungong US naman para sa special invitation ng mga TFC subscribers para sa buong cast ng Only You sa Florida.

According to our source, mukhang may problema talaga sina Angel at Luis. Two weeks na raw ang problema at sinisikap na maayos. Pero ganyang sunud-sunod ang schedule ni Angel at aalis pa ng Pilipinas,  tila matatagalan pa bago sila magkausap nang masinsinan at magkaayos ni Luis.

KINABOG NANG TODO-todo ni John Lloyd Cruz si Dennis Trillo sa launching ng box-office king bilang panibagong main endorser ng Joel Cruz Signatures. Dumagundong ang hiyawan at palakpakan kay John Lloyd paglabas niya ng stage  pagkatapos ng portion ni Dennis na umani ng so-so na palakpakan from the audience sa Skydome ng SM North EDSA.

May linya  rin si John Lloyd sa ad ng Joel Cruz Signatures na ang perfume niya ay timplado ng girl na type niya. Tinanong ng isang movie writer ang PR publicist ni Ruffa Gutierrez na si Jun Lalin kung ang alaga ba niya ang may ganu’ng perfume ni John Lloyd.

“Hindi ‘no. May sariling brand of perfume si Ruffa na malapit ng i-launch,” mataray na sagot ng publicist ng mga Gutierrez.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

5 thoughts on “Dolphy, balak kasuhan ang isang reporter – Julie Bonifacio

  1. ano pa bang aasahan mo? alangan namang mga starlet ng gma ang palakpakan? duh! si jlc 2x box office king yan anlayo ng level! kahit si dingdong hindi kayang abutin yan si dennis pa kaya?!

  2. hahahah..na-witnessed ko tlga yun as in malakas tlga sa audience c JLC than DENNIS TRILLO!ngtawanan pa nga kmi kc biglang nbuhay ang mga tao ng lumabas c JLC..PERO proud kapuso pa rin ako!ngsasabi lng ako ng totoo!!

  3. Hay naku mga BITTER lang kayo eh TOTOO namang MAS SIKAT si JOHN LLOYD CRUZ at BOX OFFICE KING TALAGA. Maryosep mag-isip isip nga kayo ha. Mga inggitero. Tumigil nga kayong dalawa diyan. GO KAPAMILYA

  4. Hoy Julie, dumale ka naman! Papurihan mo na ng papurihan ang mga star ng dos; dahil bayaran ka naman nila; pero huwag ka ng mangsabit pa ng pangalan ng talent ng GMA, para lang may masabi kang hindi maganda. Wala namang pakialam si Dennis sa mga pinagsasabi mo eh! VERY BAD JOB KA NA NAMAN JULIE, dapat sa iyo ay paluin ng paluin, hanggang magtanda!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.