Sipat-eklat: Dolphy at Maricel Soriano, lumipat na sa TV5!

SIPAT: AYAW raw MAPAG-UUSAPAN nina DINGDONG DANTES at MARIAN RIVERA ang NAKARAAN nila. Isa ‘yon sa NAPAGKASUNDUAN nila.
EKLAT: TIYAK kasing SASABIT ang NAME ni KARYLLE, at kung ANO talaga ang DAHILAN ng HIWALAYAN nila ni DINGDONG.

SIPAT: BAKIT ba HINDI pa MADIRETSO nina DINGDONG at MARIAN ang TUNAY na RELASYON nila?
EKLAT: A) MABUBUKING ang DATE na nang maging SILA, e, SYOTA pa ni DD si K?; B) ENJOY naman sila as FUBU – as in FUN BUDDIES?; C) May MAGHAHABOL kay M?; D) Para may MAPAG-USAPAN pa sa KANILA

SIPAT: MAHIRAP PANIWALAAN na SECRETLY MARRIED na sina DINGDONG at MARIAN…
EKLAT: Ang HIRAP din kasing PANIWALAAN ang PINAGSASASABI nila, e.

SIPAT: HINDI na TALAGA NATULOY ‘yung MOVIE na PAGSASAMAHAN sana nina CLAUDINE BARRETTO at MARK ANTHONY FERNANDEZ, ‘no?
EKLAT: Kasi naman, si MARK parang MIYEMBRO pa rin ng GUWAPINGS ang DATING. Si CLAUDINE… ASAWA ni RAYMART SANTIAGO ang ARRIVE.

SIPAT: MANANAHIMIK na lang daw si GINA ALAJAR sa FACEBOOK brouhaha niya. AYAW na niyang PATULAN si SUZETTE RANILLO.
EKLAT: SAYANG naman… ang EXPOSURE ni SUZETTE.

SIPAT: Na-HURT si EAGLE RIGGS nang TSUGIIN siya sa UNANG HIRIT.
EKLAT: SURE kasi na… HINDI siya TATANGGAPIN ng UMAGANG KAY GANDA.

SIPAT: ‘Yan ang MASAKLAP sa SHOWBIZ…
EKLAT: ‘Pag NAGAMIT ka na at WALA nang SUSTANSIYA… BABAY na!

SIPAT: Parang ‘yung GAY TV EXECUTIVE na kayang MAGPASIKAT nang NATITIPUHAN niyang AKTOR…
EKLAT: Kaya ang DAMING PROJECT ni YOUNG ACTOR ngayon, e! At WALA na kahit ISANG PROJECT ang dating HUNK ACTOR…

SIPAT: Kaya naman pala NATSUGI si EAGLE sa UNANG HIRIT, e, dahil magre-REFORMAT ang PROGRAMA.
EKLAT: At HINDI na BAGAY sa BAGONG FORMAT ang TV HOST… OUCH!

SIPAT: In fairness sa KAPUSO, nag-OFFER sila ng SHOWBIZ SEGMENT kay EAGLE. Pero TUMANGGI ito, e.
EKLAT: HINDI kasi ‘sing-BONGGA ng EXPOSURE ni JOHN LAPUS sa SHOWBIZ CENTRAL!

SIPAT: KUMITA raw ng P12-M sa FIRST DAY SHOWING ang PAANO NA KAYA?
EKLAT: WALA raw PADDING ‘yan. Pramis!

SIPAT: TALENT na ng TV5 sina MANG DOLPHY at MARICEL SORIANO…
EKLAT: Parang HINDI BIG DEAL sa KAPAMILYA. Knows n’yo na WHY…

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

3 thoughts on “Sipat-eklat: Dolphy at Maricel Soriano, lumipat na sa TV5!

  1. hahaha thats true d nla madretso kung kelan cla official on kc sasabit ung name ni karylle.two timer c dingdong,,thank god kay ms.iza calzado sinabi nya kay karylle ung mga nakikita nya s dilim

Leave a Reply

Your email address will not be published.